7 months pregnant but not still having enough milk

Wala pa pong lumalanas na hatas sa boobs ko nagwoworry ako kasi baka wala lumabas na gatas pag lumabas na si baby. Ano po pwede kong gawin?? Advice po sana salamat sa sasagot Ano po kaya pwede kong gawin mga mamshi

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pano nyo po nasabing not enough milk kayo if di pa kayo nanganganak? ang breastmilk po, as early as 19weeks meron nang pinoproduce sa breasts natin. pero lumalabas lang yun if nanganak na, since ang oxytocin (hormone na present during delivery at contraction ng uterus) nagcacause ng stimulation sa breast to release milk samahan pa ng latch ni baby. Some pregnant moms may leaks na by 24weeks pero that leak po ay di naman po basehan na magiging magatas o hindi pagkapanganak... naglileak lang yun due to high hormones po. Better relax and enjoy lang ang pregnancy mo. dont worry over something na di pa naman po dapat lumabas kung di pa naman need.. isa pa po, ang pagwoworry o stress nakakadagdag po yan bakit mahina ang paglabas ng gatas lalo na pagkapanganak. so stay happy and positive lang. and wait ka lang sa process. sa 1st ko walang leaks during my entire pregnancy, i have small breasts din, pero nung nanganak na ko sobrang dami kong gatas, tulo lang ng tulo.. the sad thing lang nasayang lang yung gatas kong yun kai wala na yung baby ko. ngayong 2nd ko, 24weeks, nagleleak na pero syempre di ko pa alam ano mangyayari dahil di pa ko nanganganak, hinahayaan ko lang, di ko ineexpress kasi baka magcontract ako..iba iba talaga ng journey. wag kang mapresaure sa mga nakikita at nababasa mo rito na may leaks na sila. iwasan din magcompare ng pregnancy journey mo sa iba para iwas worry. as long as healthy ka at si baby mo.

Magbasa pa