Share lang ?

Wala na siyang time para makabonding unlike dati. Not totally walang time. Dati kasi nababasahan niya si baby. Ngayon bihira na lang. Kakausapin niya lang si baby at yayakap na lang sakin tapos maya maya tulog na. Sobra akong naaawa sa asawa ko. Ramdam ko yung pagod niya lalo. Gusto ko man na hindi na lang muna siya papasukin dahil sa crisis ngayon pero sabi niya "para kay baby at sayo, kakayanin ko mommy". Sobra akong proud sa kanya ang laki ng pinagbago niya. Talagang tinotoo niya yung sinabi niya na "uunahin ko na kayo ni baby kesa sa barkada ko" dati kasi tlga nag aaway kame dahil sa barkdada niya. paano nag iiba ugali niya pagdating sa barkada. but thanks God at okay na kame ngayon wala ng away. Talaga yung time niya nasa amin na lang. Nasa amin na lang ng magiging baby niya. 26 weeks and 5 days pregnant na ako ngaun. Hoping and praying na healthy si baby at syempre na sana safe si hubby lalo na't nagwowork siya. Lagi ko siya binibilinan, binaunan ko pa siya ng sarili niyang alcohol at masks. At pinagtetake ko siya ng vitamins. Keep safe po sa lahat! Sana matapos na ang crisis nato.

Share lang ?
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din si hubby, masyadong workaholic pinapatigil ko muna sya kasi may enough money nmn kaso di nya din maiwan yung responsibility nya sa work nya. Nakakainis na nakakaproud hehe. May times pa na lalakad sya pauwi kasi ayaw nya mag stay sa office nya gusto nya katabi padin nya kmi matulog ni baby :) God bless sa mga asawa naten na masipag ❤️

Magbasa pa
5y ago

yes mommy. pagpray na lang natin mga asawa naten

VIP Member

mommy, tell hubby also na pagdating ng bahay, sa pinto pa lang, tanggal na lahat ng damit at maligo na. wag ipasok ang shoes sa loob ng bahay. ingat po kayo at ang munti niyong pamilya :)

5y ago

yes po mommy. ginagawa niya naman po. sinabihan ko po kasi siya. 😊 ingat din po kayo.