Breastfeeding pero walang nutrition kinakain. Worst wala talagang kain at all

Wala kaming work ni LIP ngayong pandemic. Bago mag kanda letche letche ang lahat, kakapasok ko lang ng work sa isang agency. Akala ko okay na, 26years old na ko at siguro naman kaya ko na magkaanak kasi dati ko pa pangarap mag kababy. Kako nga kahit laruan na baby bibili ako sa halaggang 10k kasi ayaw pa ni LIP magka baby hanggat di pa sya stable sa work nya. So ayun nga nagkawork at binuo pa din namin si baby. Sabay sumulpot si pandemic. Tanggal ako sa work kasi maselan sa virus lalo na at buntis and bago palang ako sa company. Pero company made sure na lahat ng benefits and even bonus ibinigay nila in advance kaya kudos sa agency na yun. So eto na nga. Buntis ilang bwan walang work kami pareho. Sya sideline sa mga tropa. Ako sa bahay lang. binigyan kami ng business nung ate ni LIP, sahod ko dun every month 3k okay na din kesa wala online selling lang naman walang pagod and very thankful ako kasi mabait naman sya. Sya saka nanay ko tumulong samin sa pag papaanak ko CS ako dzai! :( sakit sa bulsa. Utang utang kami. Ngayon naipanganak ko na si baby lahat ng tipid ginagawa ko magkasya lang. okay naman. Iniisip ko lang yung dinedede ba sakin ni baby is okay lang? Minsan kasi isang beses lang kami kumain sa isang araw. Minsan tinapay lang minsan tubig lang. kahit pandemic lahat ng celebration pinupuntahan namin ni LIP makalibre lang ng foods. Kahit kamo birthday ng aso kasakasama namin si baby para may makain lang. muka namang malusog si baby kahit papano. Mataba talaga sya. Iniisip ko nga baka ba dahil lang sa malamig gatas ko puro hangin kaya lang sya mataba ih. Nag try din ako mag hanap ng work from home. Pinilit ko. Tadhana na yata ang umaayaw. 4months palang si baby ngayon. Kahit gusto ko magwork at daddy nya magbabantaybsa kanya. Ayaw naman akong tanggapin ng mga hudas na company. Hahahaha. Habang tinatype ko to. Gutom na gutom na ko. Kakatapos ko lang mag padede kay baby. Gutom pa din kaya sya sa pinadede ko sa kanya? Pero kahit di ako kumakain ang daming nalabas na gatas sa dede ko kasi soguro puro ako inom ng tubig Iniisip ko at ikinukumpara ko nalang buhay ko sa mga pulubi na nanay sa kalsada. Pareho kaming gutom. Kaibahan lang may bahay kami sila sa kalsada nakatira. Yun nalang ipinagpapasalamat ko sa araw araw na naulat pa mata ko. Salamat sa pag babasa. Gutom lang siguro to kaya kung ano ano naiisip ko. Yung sa nasa pic dun napupunta yung ibang pera galing sa 3k na sahod sa business. Yung iba pag nabili kami ng ulam para sa isang beses na kain sa isang araw. Istak kami tinapay para kahit papano may laman tiyan. Salamat sa pag babasa.

Breastfeeding pero walang nutrition kinakain. Worst wala talagang kain at all
20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

nakakaiyak 😭. laban lang sis. matatapos din lahat ng to makakaranas din tayo ng ginhawa at wala ng pangamba. kapit ka lang para sa asawa mo lalo na para kay baby. laban lang sis.