STRESS PREGY

Wala akong mapagkwentuhan ? Dito ko na lang e share mga Mamsh. Kamakailan ambilis kong umiyak ngayon naman ambilis ko nman magalit? Lalaong lalo na sa pamangkin ni Hubby. Nakaka inis talaga siya sobrang spoiled di mo mpagsabihan! Na s-stress talaga ako sa kanya tapos kahit mali na ginagwa ng bata kinukunsinti lagi ng lolo't lola. Kapag d nai bigay grabi maka iyak tapos anggaling pa sumagot sagot sa mga matatanda. Alam ko na sampid ako pero minsan ansarap na talaga niyang hampasin? gusto niya bigyan sya lagi ng pera kahit yun na lang kakarampot na natitira ibibigay pa sa kanya pambili lng ng kung anu ano na hindi nman nakkabuti. Sakin binibigay ni hubby sweldo nya tas ako na bahala sa pag budget at pag save eh pano ako makaka save panay hingi at panay utang di nman binabayaran?! Di namn sa nagdadamot ako pero sa totoo lang manganganak na ako probably sa december or first week ng January wala pa din kaming ipon kahit piso!!! ? Na s-stress ako kung paano at ano nalang gagawin ko pag lalabas n si baby. Ako pa nagtuturo ng module ng pamangkin niya tapos dapat bigyan ko pa ng pera para sagutan lang module niya. Ako pa dehado. Tapos pagla ilang minuto hihingi na nn pambili ng ice scream, pambili ng soft drinks pambili ng kendi. Ako na gustong gusto kong uminom ng iced choco d ako maka bili kahit 25 pesos lang yun dahil inaalala ko wala ng pera. Pag naghihingi kasi yung bata sakin tinuturo. Paanong d bibigyan ? Eh kasi pag di binigyan ako pa magmumukhang masama at madamot. Tapos ang itinatabi ko minsang pang monthly check up ko sa OB nagagalaw pa dhil sasabihin ng mama ni hubby na malayo pa nman check up ko ibili nlang muna ng mga pang araw2 sa bahay. Tapos d maibalik ang pera pagdating ng check up ko nga nga ako . Tapos sasabihin na d ksi pinaglalaanan ! Hello!!!!! Diba kinuha nyo dahil sabi nyo malayo pa nman check up ko? Maliit lang sahod ni hubby at ako pina tigil sa trabaho dahil d pwedi mga buntis mag work advise ng company. Hihingi ng pang kape, pambili shampoo, hihiram pambyad sa lending tapos d na maibalik. Wala na ! Pano na ko makaka pag save para sa panganganak ko??? Ako kasi hindi ako vocal na tao tapos makikita nila puro ok nalang sakin. Ako umiiwas lang nman ako sa gulo at mga issues pero minsan talaga d ko na kaya . Yung load 1000 na pinautang sakin ng teacher ko pang start sa small income sa wala rin napunta kasi sila panay hiram pambili tubig tapos panay pa load sasabihin babayaran pagka next day wla nman. ? Kya imbis magka puhunan ako ayon nagka utang pa ?. Ano na lang gagawin ko?

STRESS PREGY
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

nasanay din kasi sila sayo mommy .. mg express karin po minsan. kasi akala nila ok lang lagi sayo. pakitaan nyo rin po minsan na wala kayong maiaabot. wag nyo po iisipin na masama na kayo kapag wala kayo naiabot. di naman po masama ang minsan.