56 Replies

gnun tlga sis una lang yan mgglit sila ssibhan knila ng masskit na salita pero dpat matapang kang harapin un ksi ginwa mo yan e kung alam mo namn mgglit ang parents mo dpat inisp mo munang mabuti , pero dhil anjan na yan dpat mas malaks loob mo harapin mo ung pinasok mo , laban lang di namn di porket mag kakababy kna dikna pede mg work pag nanganak kna pede kna magwork , kya go kaya mo yan sbhin mo agad sknila yan and then wag papastress bawal uns preggy mom 😇☺️

Sa una lng naman Yan magagalit pag tumagal magiging okay lng Ang lahat..kakayanin mo Yan sis wag ka masyado magiisip ng Kung ano ano bawal Ang stress baka mapaaga di sa pag mamayabang o pagmamagaling pero buti ka pa at the age of 21 nabuntis adult na e ako 16 pa lng nagkaanak na ako di ba Ang landi ko AHAHA charing for me it was a blessing na di ko kailangan ikahiya stay healthy magiging mommy ka na para sa baby mo po godbless sainyo

Sabihin mo nalang yung totoo..siguro sa una magagalit sila pero natural lang yun na reaksyon ng mga magulang naten lalo pa ang alam nila eh nagwowork ka..pero bandang huli matatanggap pa rin nila yang baby mo..at handa ka naman panagutan ng bf mo kaya no nid to worry..at pede ka pa rin naman makatulong sa kanila kahit na may anak ka na..hindi naman hadlang yung anak naten para maging pabaya na tayong mga anak sa ating mga magulang..

VIP Member

Same case saken, ang alam nila mama nagwowork ako dito sa Maynila. But after a year nabuntis ako ng bf ko, at pinanagutan nya ako. It took 3months before I confessed, but I realized I should have told them earlier. Pinapaasa mo kasi ang parents mo nun. Expect na lang na magagalit talaga sila and they have the right to, pero as time goes by, magheheal din yun. They are our parents anyway in any ways.

Sa una lang magagalit at may masasabi yang parents niyo. At please wag sasagi sa isip ang abortion, kasi never naging solusyon yan. The moment na nakipag sex ka alam na alam natin lahat kung ano magiging resulta niyan lalo na kung walang pag iingat. Isipin mo nalang hindi ka nga natakot makipag sex eh, ngayon na may nabuo saka ka palang natakot. Be brave enough to face it. Act your age, 21 kana.

VIP Member

Kahit na may doubt ka mommy, wag mo sanang isiping ipa laglag yan. Sabihin mo sa pamilya mo kasi kahit di nila matanggap sa ngayon, balang araw magiging okay din. Kesa itago mo yan eh mas lalong bibigat ang loob mo. Madami namn nabuntis jan na nag aaral pa. Pero naging okay naman. Ikaw pa kaya nakapag tapos na. Pwede ka pa magtrabaho, pagka tapos mo manganak at okay na si baby. Bata mo pa.

VIP Member

Ang gawin mo maghanap ka ng work tapos pag may work ka na, saka mo sabihin sa kanila na preggy ka and support mo din parents mo kahit papano para makabawi kahit konti. Okaya sa sahod mo konti kontiin mo bili mo ng gamit ni baby tas bigay ka sa kanila ng pangkain tas ipakita mo na nabili ka ng gamit ni baby para sila na mismo mag conclude na preggy ka so hindi mo na need sabihin.

Swerte ka pa sis kasi ok kayo ni bf. Ako 17 yrs old nabuntis at 18 nung nanganak. Hiniwalayan kami ng father nya nung nalaman na buntis ako. Kaya sa parents ko lang din ako lumapit kasi wala namang ibang tao mkkatulong satin eh, tinanggap nila kahit sobrang bata pa at college palang ako noon . Pero ngayon eto nakaraos na ng college at may kinder 2 na akong anak na nagaaral. ❤

VIP Member

Nararamdaman ka ng anak mo. Sana stop mo yang feelings mo na yan. Di din naman ginusto ng anak mo na mabuo siya. Ginusto niyo yan ng boyfriend mo. Dahil inuna niyo ang sarap niyo. Sana bago ka bumuka inisip mo na pwede kang mabuntis. At inisip mo magulang mo bago ang kati mo. Pasalaman ka at pinanagutan ka pa. Kaya be happy na lang and suck-it-up. ✌ just saying 😒

VIP Member

Tell them since nakapag aral ka naman, expect na magugulat at medyo di maganda ang irereact nila pero ganyan talaga dadaan ka dyan. Good thing naman is pananagutan ka, unlike me single parent at di nakahanda sa pagiging ina. lakasan niyo nalang loob niyo magsabi promise maiintidihan ka nila, at if ever makalabas na si baby mamahalin nila yan 😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles