I need help or advices.

I'm 18 weeks pregnant. #1stimemom. 15 weeks na ako nung nalaman namin ng boyfriend ko na buntis pala ako. But ang problem namin is, til now hindi alam ng parents ko. Supportive naman sa lahat boyfriend ko at excited siya, alam na rin ng relatives niya pero napanghihinaan ako ng loob sabihin sa mama ko dahil lagi na lang galit sakin, dahil wala akong work kaya di ko masabi-sabi. Lahat ng pwedeng applyan, inapplyan ko pero ang hirap talaga maghanap ng work ngayon. Di ko alam gagawin ko, ayoko ma-stress at gusto ko safe ang baby ko dahil placenta previa rin ako sabi sa diagnosis. I feel like a failure at pabigat. #advicepls 😩😩😩

I need help or advices.
7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sabihin nyo na hangga't maaga. The longer you wait, masmahihirapan ka. Itatago mo pregnancy symptoms mo, kung pag-bedrest ka ng ob mo, baka kung ano pang sabihin nila kasi wala kang work tapos pahiga higa lang, kasi hindi nila alam ang totoong sitwasyon mo. Lalo ka lang masstress. Plus, malalaman din nila yan, for sure tatanungin ka kung bakit hindi mo sinabi agad. You know your parents well enough, you know what to expect pag nalaman nila. Magalit man sila, masmaganda pa rin na sayo manggaling, kaysa sa iba. Tapos iexplain mo sa kanila anong plano nyo. Paano yung gastos, yung gamit, yung pag-aalaga. Paano ang plano mo for your career after ipanganak si baby. Ipakita mo na kahit buntis ka na ngayon, may plano ka para sa sarili mo. Kung kaya, seek other opportunities para may mapagkakitaan ka habang buntis. Andaming resellers ngayon dahil sa pandemic, andaming online business. Explore other options para kumita ka rin at hindi mo maisip/hindi ka masabihan na failure or pabigat. Tapos pagkapanganak kay baby, discuss contraception with your ob para hindi masundan agad. Pwede ka pa bumawi. You can turn your life around. Yes, mahirap, pero hindi imposible. Good luck ☺️

Magbasa pa
VIP Member

Hello mommy, i feel you. I'm with your situation before. Matindi yung kaba ko noon kasi board passer pa ako and then on going yung ranking noon kasi nag-apply ako. But then, hindi naman talaga maitatago iyan ng panghabangbuhay o pangmatagalan. Harapin mo na si mother earth mommy, have the courage para mapanatag ka narin. Oo malaking possibility na magalit sila or else mag-mura. Pero yung gagawin mong pag-amin/pag-sabi ay para sa ikapapanatag mo at syempre ni baby na dinadala mo. Nakarinig din ako ng ilang buwan noon na "sayang" "sobrang aga" "malandi kasi inunana na ang magbuntis kesa magkaroon ng work" "di inisip ang kinabukasan mas maganda sana ang buhay" way back 2019. Pero life must go on mommy ☺️ You got this mommy! What happened to you today doesn't define what else you can achieve more in the future. Pakatatag ka for your baby! Fighting!

Magbasa pa

Sabihin mo na.. First of all po, una plng dpt bago nyo po gawin yan naka ready na kayo sa posible na mangyyri at reaponsibility.. Kaya kung ano po ang reaksyo ng parents mo magalit o ano pa man, normal lang po na reaskyon un ng parent.. Ginawa nyo po yan harapin nyo.. Mas hindi ok na ilihim mo sa parents mo yan, dhil if ever na may mangyari sayo na masama kargo k parin po ng parents mo😊 at sa huli cla prin po ang tutulong at matatakbuhan mo 😊

Magbasa pa
VIP Member

Let it out, mie. Hangga't hindi mo pa nasasabi yan sa parents/pamilya mo, hindi ka lang naman mapapanatag, mas mastress ka lang. Kaya kahit mahirap, once and for all sabihin mo na. You are just prolonging your agony. Kung ano man maging consequences, kelangan mo tanggapin at pangatawanan kasi magiging mother ka na. You need to be more responsible sa actions mo, and it starts sa pagkakaroon ng courage para sabihin sa pamilya mo.

Magbasa pa

sis advice ko lang. ganyan din ako nung una wag ka magalala lahat ng galit nila sa una lang yan kailangan mong tangapin lahat lahat ng sasabihin nila matatanggap din nila soon ung kalagayan mo. wag ka mastress kasi wala namang ibang tutulong sayo kundi parents and family mo lang din always pray lang kay god kahit anong mangyari. πŸ˜‡πŸ˜‡

Magbasa pa

Yung mas nauna ka pang nagkaanak kesa magkatrabaho, talagang maggalit parents mo kasi iisipin nila mahihirapan kayo magpalaki ng bata lalo na sa estado ng buhay at sitwasyon ngayon.

Do not worry too much. Saka ginawa gawa nyo yan, panindigan nyo. Sabihin mo nlng ng maayos, expect mo na magagalit cla if bata ka pa.