56 Replies
Hi Mamsh, Ganyan rin ako nong nalaman ko na buntis ako :) Btw 18 years old lang ako now 28weeks nako ngayon. 19weeks ako nung nalaman ko na preggy pala ako, At pinanagutan rin ako ng 26years old ko na boyfriend actually nakasched narin ang wedding namin. 1week after ko magpacheck up pinilit nako ng side ng boyfriend ko na aminin sa parents ko kasi handa nila kong kopkopin in case na magalit sila sakin dahil ganun naman talaga yun lalo't ilang taon palang ako, Pero sa awa ni God hindi naman nagalit ang mama ko kagaya ng iniisip ko mas gumaan pakiramdam ko kasi kailangan palagi lang masaya kasi buntis ako, Pero shempre hindi madali kasi side ng papa ko hindi ako kinakausap pero alam nila na lahat. Galit sila sakin till now pero nababalitaan ko sa mga kaibigan ko na malapit sa bahay namin na kinakamusta parin ako sa kanila ni papa. Galit sila pero magulang parin naten sila kahit ano pang kasalanan ang magawa naten iintindihin parin nila tayo. Mas maganda na maOpen Up mo na agad sa kanila para mas mapanatag loob mo. Magagalit sila normal lang yun mommy ang mahalaga mapanatag ang loob mo. At isipin mo na napakalaking Blessing ni Baby. Share ko lang hehe Godbless mommy. Goodluck rin magiging okay rin lahat pray lang. 😇
at first ganyan din ako, nakakapag isip ng hindi maganda kasi di rin ako natuwa na preggy nako at the age of 21. 7months palang nagraduate pero may work naman na ako. pero nung una ko marinig heartbeat ng baby ko nung unang ultrasound ko ng 12weeks, nagbago lahat. almost 6months na yung baby ko sa tyan ko bago ko nasabi dahil natatakot din ako lalo mother ko nalang nandito dahil pumanaw na daddy ko. tapos, di rin kami mayaman kaya parang nakaasa saakin. siempre sa una magagalit talaga kahit na 21, legal age, ang bata pa rin sobra para sa ganto, pero matatanggap din nila kasi nandito na eh. mas okay yun kaysa ipalaglag pa kasi wala namang kamuang muang yung baby. sabi nga ng iba, kasalanan na ung nagawa natin, dadagdagan paba natin? kaya keep and fight for your baby. isipin mo di niya deserve mawala sayo kasi at the first place ginawa niyo yan. pwede naman tayo bumawi after manganak :) mahirap talaga pero dapat kayanin. be happy dahil marami gusto magkababy pero di mabiyayaan. yun isipin mo, na may purpose kaya maaga siya dumating, na blessing siya sainyo ni bf. i'm 22 now & 8 months pregnant, waiting nalang din kami kay baby namin. goodluck sau momsh! kayanin mo yan. kaya mo yan. ☺️🙏
Hi sis, alm mo ba same tyo nung nalamn kong pregnant ako 21yrs. Old den ako umiyak ako nun ng umiyak kahit sinbi ng boyfriend ko papanagutan nia ako, pero natatakot kse ako kse dko pa nabbgy mga gusto ko ibagy sa parents ko, madami pko gusto gawin pero anjan na yan ei, nattakot den ako sa parents nia kse super strict pero nagsasama na kami, 8years na kami mgkarelasyon, pero alm mo mas pinili parin nmin sabhn agad sa magulang ko nkakatakot oo pero hinanda ko sarili ko kng magaglit ba sila pero alm mo after nmin umamin yung ineexpect ko na magagalit sla ay kabaligtaran pala, natuwa pa sila naiyak pko nun, oky lng dw yun at my work nmn kmi ganun den sa mama nia akal nmin mgagalit pero hindi pla .. Sis kelangan mo aminin sa mgulng mo yan masstress ks nian maaapektuhan si baby ihnda mo sarli mo kng mgalit mn sila ganun tlga,. Mas maganda na yung sabhin mo sa kanila yung totoo, pray lang,. Ngayon 6months preggy nko nakakatuwa bawat movements nia at nakakaexcite :) tiwala lng sis mkakaya mo yan
Maswerte ka at nandyan ang ama ng anak mo sa tabi mo po. Makipag usap ka po ng maayos sa parents mo , magpaumanhin ka sa kanila kung pakiramdam mong mali ang nagawa mo po. Natatakot ka dahil pinalake ka nila ng maayos. Iniisip mo na baka magalit sila. Magulang mo sila. Mahal ka ng magulang mo po. Mas gagabayan ka po nila ngayong nagdadalang tao ka. Pwede ka pa rin pong makatulong sa magulang mo kahit may baby kana po. Hindi lang po financial.,Madameng pamamaraan para makatulong po sa magulang. Open up yourself to your parents. Normal lang na strict ang magulang dahil sila ang nag alaga sayo simula bata ka. At ngayon magiging ina kana rin po. Magiging ganyan ka rin po sa magiging anak mo. Be strong. At maging magalang sa pakikipag usap sa magulang ang pinaka mahalaga. Hug each other and say iloveyou to them ☺
Better to tell your parents bilang respeto na din sa paghihirap nila sayo at pagpapalaki, tandaan mo na magiging magulang ka na din at in the future ayaw mo din na gawin sayo ng anak mo yung ginagawa mo ngaun. God is good all the time, hindi man matutuwa parents mo sa malalaman nila sayo pro hayaan mo lang ksi ganun tlga truth hurts lalo't nagtiwala sila sayo, pro wag mo lang dibdibin ganun tlga ang magulang pro kalaunan maiintindihan ka din nila at mauunawaan basta lagi mo lang silang ipagpdarasal na maintindihan ka pa rin sana nila sa kabila ng lahat. Basta ipagpasa-DIYOS mo po ang lahat. Ingat kayo ni baby and Pray.
19 yo ako nung pinaalam namin sa parents ko na buntis ako. Yung bf ko ang humarap sakanila para sabihin. Alam ko disappointed sila, pero sabi ng papa ko. Mas magagalit daw sya kung nalaman nya, nang hindi ang lalaki ang nagsasabi. Kaya ikaw sis. Hayaan mong si bf ang mag sabi sa parents mo para maisip ng parents mo kahit papano na paninindigan ka ng lalaki dahil sya mismo humarap sakanila. Mas nakakaexcite mag buntis kapag wala kang tinatago. Mas masarap sa feeling. Tsaka lalaki at lalaki yang tiyan mo. Malalaman pa din nila yan. Kaya mas maigi sabihin kesa sa iba pa nila malaman. Cheer up sis.
Just tell it to your parents. Their is no "right time" for that. Just tell it. At the end of the day, our parents will not let us down. Kung ano man ang maging reaction nila, accept it. Hindi rin yan magiging madali for them so you need to be more understanding. Regardless if ikaw pa ang pregnant. Face it. No one will do it for you but you yourself. Wag mo nang patagalin pa kasi mag magiging mahirap yan sa loob mo pag nagtagal pa lalo. And most importantly, PRAY for His eternal guidance. ☺️ Go sis! Makakaya mo din yan. ☺️
U nid to tell ur parents. Magagalit sila which is usual lng un tps non ndi kdin nila matitiis. Ur lucky na pinanagutan ka ng boyfriend mo atleast maihaharap mo sya sa parents mo kht pano mapapanatag sila. Un iba mommies dto sila lng ksi ndi sila pinanagutan pero nagawa nila magsabe sa parents nila. U know what pag nkita mba un baby mo sa ultrasound lht ng naiisip mo ndi maganda mawawala. Lalo na pag naka labas na sya magsisisi ka na bat mo naisip un mga bgay na ndi maganda pra sa baby mo. Kya sabhn muna sa parents mo.. God Bless!
Same situation po. Ako ng nalaman kong buntis ako 19wks and 4dys june 19. Talaga na gustong sabihin ng bf ko pero ako takot, nito lang nalaman aug. 17. Naiyak ako yes bakit? Kasi grabe pala iniisip kong reaksyon nila sa naging reaksyon nila. Ngayon mas excited pa sila sa akin. 21 yo din ako at wala pang work fresh grad nung March sa college 😇 sabi ng mama ko. Dapat dati ko pa sinabi kasi Ang baby blessing daw. Dapat inaalagaan. Naaalagaaan. Imagine nalang po hindi lahat nabibgyan ng anak 😇 Tell them. They know better 😘
Sis don't worry. 😊 pakatatag ka lang. Better sabihin mo na agad sa parents mo habang maaga. Lalo ngayon alam nila nagwowork ka tapos hindi na pala. Mga instances na pwedeng magpile up yung lies at mas mahirap pag dumating sa point na yun. Syempre sa una pwedeng magagalit sila at magulat. Pero at the end of the day tatanggapin parin naman nila. Possible na tulungan kapa nila sa sitwasyon mo at magiging madali para sa inyo pag alam ng parents mo. 😊 and wag magiisip ng masama kay baby. Always pray. 😘
Anonymous