โœ•

10 Replies

I don't have vaginal suppository lahat oral. I took duphaston twice a day at it cost 83.50 pesos per tablet, may nadag2 pa na duvadilan, but ang Duphaston until 32 weeks ko lang daw itake, duvadilan until 35 weeks. I don't belong to high risk pregnancy but because of my preterm delivery history my OB suggested na need ko mag take ng mga ganitong meds, plus other prenatal vitamins. I stopped working muna to sacrifice for my baby kasi rainbow baby ko po ito kaya dami kong ginawa ng precautions with the help of my OB. Now, sa tanong mo po how I cope with all the expenses? Naiiyak ako minsan kasi yung hubby ko lang may work, but thank God naman na pro-provide ang mga needs namin ni baby, tinutulungan din kami ng in laws ko at family ko. But even if meron tumutulong hindi din maiwasan mag worry sa financial aspects tapos nag sa-sacrifice pa ako lalo na sa career at hindi ako sanay. However, a little sacrifice now and discomfort can lead to success pregnancy. Mahirap man ngayon mommy but kong iisipin mo welfare mo at ng baby mo, it will end worth it. Lahat ng hirap worth it. Kaya take care po, magagawan po ng paraan yan, bawi nalang po after pregnancy.

first and until now na 2nd trimester ko pinagtake ako ng duphaston, Isoxuprine and gestron. medyo pricey talaga tapos good for few weeks pa itake. under monitoring din ako kase nasa high risk pregnancy ako, since may nakita kay baby na both dilated borderline ventriculomegaly tapos I need to leave my work as per my OB dahil sa selan ko magbuntis. dagdag pa mga side problems sa family ko na nagiging cause pa ng stress ko. pero may partner ako na sobrang Blessed ako kase siya lahat at magaling maghandle sakin. Always mo isipin o ninyo ng partner mo si baby. okay lang gumastos ng malaki basta normal and safe kayo mag ina. iwas sa stress kase may bad effect talaga kay baby. and need mo talaga ng mapagmahal and supportive partner. ๐Ÿ˜Šโ™ฅ๏ธ always hinge karin ng gabay kay Lord๐Ÿ™tiis po para kay baby, fighting!

Naka LOA ako during 1st trimester ko dahil sa subchroinic hemorrhage ko noon. Financially nasagad Po. c hubby lang ung working samin that time. When I returned to work on my 2nd trimester gang mag matleave, pag na stress ako sa work, either mag logged out lang ako sandali or half day pag de talaga kaya. good thing my boss understood my situation Kasi mas mahalaga c baby. tinatak ko sa puso at isipan ko na makaka survived si baby with the help of prayers, meds, lovedones. and now I have a healthy 7 month old baby girl. โ˜บ๏ธ sa twing maiisip mo ung finances nyo, isipin mo palagi na Pera lang yan mapag iipunan nyo pa ulit pero c baby nag iisa lang sya. Maging positive ka lang my , makaka survive c baby despite of ur situation Basta pakatatag ka lang. โ˜บ๏ธ

Same here. Partner ko lahat sumasagot sa gamot. Actually, salitan sila ng parents ko para hindi mabigat. High-risk rin ako at nahospital na rin dahil sa sobrang selan. Kapag nandyan ka pa sa part na puro gastos at pakiramdam mo wala kang maiambag, isipin mo palagi na ikaw lang ang meron si baby sa ngayon. Kaya wag na wag kang manghihinayang sa gamot at wag ka rin mag-alangan na humingi ng tulong sa partner at magulang mo. I promise you, lilipas ang mga buwan at ikaw mismo ang magpapasalamat sa sarili mo dahil hindi mo pinabayaan ang baby mo. I'm currently at 25 weeks, hindi na gaano ka-selan, pero inaatake pa rin ng preterm labor from time to time. Lakasan mo loob mo para sa baby. Ikaw lang ang meron sya. ๐Ÿ˜Š

Hi Mommy. Coping up, iniisip ko nalang na magiging safe kami ni baby kaya need sundin ang advise and meds from OB. Same scenario, 2nd month ko palang naka vaginal suppository nako (Progesteron โ€” Gestron or Heragest 2x a day) Every month ako may bleeding so I needed to stop my work. No income, savings naubos na sa gamot. 60x2 a day Gestron, 89 x 3 a day duphaston. Im on my 6th month na and up to this day, thankful ako dahil sa mga gamot na yan safe kami ni baby. Basta isipin mo nalang po in the long run, kayo ni baby nagbebenefit sa gastos. Iwasan mag isip ng mag isip. Mag pray. Talk to your hubby. Talk to your baby.

ang ganda po pag natapos yung vaginal suppository nakakawala po sya ng amoy ng vagina at kati kaso medyo mahal lang talaga nag take ako non 150 pesos ang isa pero buti nalang 1 week lang pina take sakin

ipinagdadasal ko n lng na sana ung gastos at hirap ng pagbubuntos ko worth it wag lang magkasakit si baby sa loob at mahing ok ang lahat. endure lang po. 4 months n lng nmn

Thank you guys sa response. Yes kaya natin to. Mejo mahirap ihandle pero kakayanin for the babies! ๐Ÿค—

same po...progesterone 2x a day.. and isoxilan 3x a day..

Ano po sumasakit sainyo bkt po ganun? ako po symptoms

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles