Gamit ni Babyloves

Usually mga ilang months po kayo bago bumili ng mga gamit ni baby?

58 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pag alam mo na po gender mamsh at kung sure na talaga gender kasi yung akin mag 8 months na ko nung nalaman gender ni baby kasi ayaw magpakit nung first ultrasound ko nung 5 months kaya sabi balik daw kapag 7 months kaso 8 months na si baby nung nakabalik kami. Buti na lang nakapagcanvas na ko sa mga damit na susuotin niya 😊

Magbasa pa

4 months tyan ko nagstart na po ako, paunti unti lang monthly binibili ko at budgeted lang kasi pera, pero nung malaman ko gender ng 6 months ayun mej kinompleto ko na, worried din kasi ako mapaanak ng premature like 7 months kaya yun para atleast kumpleto na if ever emergency diba

nag start ako bumili bili nung mag 6mons ang pinagbubuntis ko..then bumibili parin naman ako pag may nakita akong nagustuhan kung damit para kay lo..tapos 2mons na ng bumibili bili ako ng bagong damit niya kasi di na magkasya sa kanya ung mga newborn clothes niya.

VIP Member

inunti unti n po nmin cmula ng ngbuntis si misis kc hinihintay po nmin ung mga sale s baby fair, umaaattend ng pregnancy seminar kc dun may freebies tpos may mga binebentang gmit ni baby n mura tlaga halos 50% off

6mos. ako nagstart nung nalaman na gender Yung ibang matatanda sabi 7mos daw para di majinx. Di nmn ako naniwala kaya 6mos. pa lang namimili na ko ng diapers lalo na nung nagsale.

After knowing baby's gender po. Mga 5mos po ako nun. Unti-unti ko binibili yung mga gamit para hindi ganun kabigat pag isang bagsakan. Chume-tyempo rin po ako sa mga sale.

7 months kasi pag 8-9 medyo mahirap na gumalaw. Bili nalang po kayo paunti unti ng supplies like diapers, cotton balls, feeding bottles, and others

Di ako bumili kasi madaming nagbigay :) Pero tingin ko once malaman mo ang gender, bmili ka na paunti unti para di mo maramdaman yung cost.

VIP Member

Turning 6 mos po sis. Inunti unti ko hanggang sa macomplete ko. Medyo pricey kase kung bibilhin ng sabay sabay

6months palang. Basta nung nalaman namin yung gender kinabukasan nagstart na kami mamili ng pakonti konti