Usong uso ngayon ang Pneumonia sa mga babies. Si 4 months LO ko nagsimula lang sa simpleng ubo hanggang sa na-confine na siya due to Pneumonia. Halos 80% daw ng naka confine sa hospital na yun, puro bata either Pneumonia or dengue case lang. Community acquired daw yung Pneumonia ni LO, so nahawa siya ng kung sinong carrier ng bacteria. Kaya mga momsh, wag muna natin ilabas ang mga babies natin sa mga crowded places hanggat maari, lalo na 6 months and below. Kung walang HMO, napaka mahal magpa ospital, 40k agad para sa 3 days na confinement sa ospital, di pa kasama mga gamot. Kung may kakarga or hahawak kay baby, make sure na naghugas muna ng kamay. Kung may ubo/sipon naman, pagsabihan na lang na wag muna lapitan si baby. Hindi yun kaartehan. Kawawa mga babies pag nagkakasakit, napaka helpless. Kaya kung napapansin niyo na may ubo or sipon si baby, better to have him/her checked ng pedia right away. Si LO hindi nilagnat, pero Pneumonia na pala.
Update: Magaling na si LO!? His pedia advised us however, na kahit kaming nagaalaga could be carriers ng virus/bacteria pagkagaling sa work or kung saan man. Kaya before we attend to our babies, siguraduhing naligo/half-bath at nagpalit muna ng damit before natin sila kargahin.