5979 responses
at first hindi ako naniniwala.. pero around 2018 nag meet kami ng Friend ko, and habang naghihintay ng inorder namin na food napansin namin na tingin ng tingin sa'kin yung matanda sa kabilang table. syempre dedma lang tas biglang nagbago talaga pakiramdam ko~ as in nanghina ako, nahilo, hindi ko mapaliwanag 'yung naramdaman ko that time. tumawag na yung Friend ko sa Tito niyang doctor and sabi baka na usog daw ako. (lol. yes, legit na doctor 'yun). nagpa pabalik balik ako sa CR then napansin nung kabilang table (kasama nung matanda) nagtanong anong nangyari then sinabi niya kung okay lang ba na magpalaway ako sa Papa niya kasi malakas daw usog nun. syempre hindi ako naniniwala eh. tas um-Oo kasama ko, ayun, nilawayan nung matanda thumb niya tas pinahid sa tyan ko.. ilang minuto lang um-okay na pakiramdam ko. HAHAHA weird but it really did happen.
Magbasa paDati hindi pero ngayong buntis ako nausog ko ata yung anak ko. Siya kasi pinaglilihihan ko. As in napanggigilan ko tas bigla siya nag suka and nakarami ng watery poop. Nilagnat pa binigyan lang tempra for lagnat. After ko lawayan, the next day solid na ulit ang poop. No more suka, no more lagnat.
not until naexperience q..nurse kasi q kaya hirap aq maniwala sa walang scientific basis..nung nausog ayun..kala q mamamatay n q kasi di q maassess yung masakit sakin..tapos papahiran lang ng laway sa tyan nung nkausog ok na agad..totoo pla
Ako naniwala ako. Last month may nagpunta dito sa bahay para magcensus. Nung paalis na sila bigla binati nung isang babae yung tiyan ko kung ilang mos na daw ba. Sumagot ako mag 5 mos. Tas isang oras lang non sinikmura ako.
Good day po sa lahat,, isa po ako sa mga Naniniwala po sa uso, dahil naranasan kona po ang mausog at masasabi kopo na ito ay may hindi kaaya a yang pakiramdam,, maaring ito ay ikamatay
Yes 💯 once na nangyari saken. Sobrang sakit ng tyan ko namimilipit ako. Yun pala nabati/nausog ako ng lolo ko nilawayan nya tyan ko tapos instant nawala yung sakit. No joke. 💯
Dati po di ako naniniwala pero nung nangyari sa akin na hindi maipaliwanag bakit biglaan akong nahihilo,masakit ang ulo at nagsusuka saka lang po ako naniwala.
May mga tao talaga na likas na malakas Ang usog Lalo na kung sila ay gutom.. may mga tao rin Naman na madaling mausog kumbaga usugin.
Minsan, kaya naniniwala nalang kami sa mama ko kapag sinasaway nya kami sa mga di dapat gawin o sabihin sa anak namin.
Nagulat ako sa picture di ko siya matitigan sa mata parang nasikip dibdib ko hahahahaha pero naniniwala ako sa usog