Healthy and Normal Baby kahit may PTB
Una po sa lahat, nagpapasalamat ako sa Diyos at kay Mama Mary dahil sa milagrong ginawa nila para sa baby ko. Pangalawa ay nagpapasalamat po ako sa app na ito dahil ito ang naging gabay ko bilang isang first time mom. Feb 29 nagpa xray ako lumabas sa result may Pulmonary Tuberculosis ako. Di ako makapaniwala kaya nagpaxray ulit ako March 2 nagpaxray ulit ako normal na. Nagkataon na ung doktor ay OB at nabanggit ko na gusto ko na magkababy kaya pinainom nya na ako ng folic acid. March 8 nagpaxray ulit ako kasi magkaiba ung resulta ng 2 kong xray pero nag pregnancy test muna ako nun ng dalawang beses parehas negative kaya tinuloy ko ang xray. Pero ung xray ko ang result may PTB ako kaya nagpacheck up na ko sa pulmonologist March 15 nagsimula na kong uminom ng gamot anti TB which is Quadmax. 3 tabs pa every morning. 6 days akong nakainom March 22 nag pregnancy test ulit ako kasi delay na ang menstruation ko. 3 beses ako nag PT at lahat positive ako. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Halong saya at takot dahil naalala ko ung 3 xray na ginawa sakin at ung pag inom ko ng gamot. Kaya simula sa araw na yun ay wala akong ibang ginawa kundi ang magdasal na sana au okay si baby. Nagkataon pa na ECQ kaya hindi ako makapag pa check up. Buti na lang talaga at may ganitong app na nakatulong sa akin. Lahat ng mga tanong ko ay nababasa ko dito. March 29 nag spotting pa ko. Lalo akong natakot. Buti na lang may OB kaming natawagan at pinainom ako ng duphaston. April 2 huminto na ang spotting ko pero pinatuloy pa din ng OB ang pag inom ko ng duphaston. Tuloy ang dasal ko at pagtingin sa app na ito habang di pa ko na checheck up. Hanggang sa wakas na check up ako kanina lang. May 4 - Transv - healthy and normal si baby. 12 weeks and 5 days na sya. ?? nagulat pa nga ang OB kasi ang laki na nya. Naiyak ako nung makita ko sya at madinig ang heartbeat nya. Maraming salamat talaga sa Diyos at kay Mama Mary ??
I am happy, loved and blessed.