Pregnancy Milk

Uminom ba kayo ng Milk such as Anmum while pregnant? Share niyo naman yung brand ng milk na ininom ninyo. Salamat ?

162 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wala na, I totally give up. Isang malaking kahon pa Naman ung binili Ng byenan ko. Halos di ko nakalahati. Binibiro ko nga kapatid ko na Hindi buntis Sabi ko sya na Lang uminom Wala Naman kakong kaso un, extra vitamins Lang, hilig nya Kasi sa bearbrand Choco e parehas Ang amoy. Un pag naaamoy ko nasusuka ako e Hindi Naman ako maselan sa pagkain. Dun lang talaga

Magbasa pa

Ako po Anmum chocolate! Tas sa malamig na water :)) sarap po! Recommended ng OB na uminom ng mga pregnancy milk po kse mataas sa calcium yan lalo na pag nasa 3rd trimester na para if hindi man ma-meet ng foods mo ung nutrients na iba, sa gatas naman makukuha.

5y ago

Pwede po :) try niyo po ihalo sa malamig na tubig. Shempre need mo lang haluin ng haluin hanggang matunaw pero pwede po. Tinanong ko pa sa OB ko yun sbe niya ok lang daw basta distilled or hindi galing sa tap water ung tubig na gagamitin

Anmum po sakin chocolate flavor..nung una hiyang naman ako pro kalaunan nag iba na yung panlasa ko . Sinusuka ko na po siya kaya tinigil ko muna sayang kasi ang mahal pa naman.. balik nalng siguro akong uminom pagtapos maglihi

Prenagen po, medyo may kamahalan, pero di ko din po natutuloy kasi hindi po talaga ako umiinom ng milk since bata pa til now. Paminsan minsan naiinom ko, basta may mangga na pampawala ng lasa, yung hinog po na mangga.

Pregnagen na choco po ang sa akin since first trimester. 35 weeks preggy na po ako ngayon pero bawas na po pag intake ko to 2-3 a week nalang para hindi po masyado lumaki si baby sa loob. :)

VIP Member

Yes po na try ko din enfa mama at pro mama, same lang din ng lasa sa anmum parang kalawabg ginagawa ko iba ibang flavor binibili ko tapos diretsong lagokan kasi nasusuka ako sa lasa

Anmum choco ๐Ÿ˜€ s umaga lang ako umiinom siz kasi napopo-poo ako after ko inumin ๐Ÿ˜‚ pero since marami nutrients nakukuha si baby s anmum Keri lang inom parin ๐Ÿ˜‰

TapFluencer

Oo, pero Alaska iniinom ko ๐Ÿ˜๐Ÿ˜ pero di po talaga ako umiinom masyado. Gusto ko lang ng mainit na inumin minsan, at dahil bawal ako sa coffee, alaska na pang ๐Ÿ˜

VIP Member

selecta fortified milk low fat.. ayaw ko ng lasa ng anmum or any maternal milk plus nagccalcium carbonate ako ๐Ÿ˜‚ at obimin pag di nagiinarte si baby

VIP Member

Anmum vanilla iniinom ko dati pero dahil d ko na gusto ung lasa ngvitamins nalng ako na nereseta ng OB ko for calcuim kahit d nko masyado mg milk..