Maria Cristina Calonia profile icon
PlatinumPlatinum

Maria Cristina Calonia, Philippines

Contributor

About Maria Cristina Calonia

First-time mommy

My Orders
Posts(39)
Replies(175)
Articles(0)

MIL dilemma

Matgal tagal din po ako nagtimpi, pero magvevent out na po ako ngayon. Kakapanganak ko lang po kasi nung March 11. At yung mil ever since bida bida na, mas lalo lang lumala ngayong lumabas na po ang baby namin. May pula pula po kasi ang baby namin sa katawan at sa mukha pagmainit. Nung una hindi namin alam kung saan nagsimula, pero naconfirm namin na sa init ng panahon lumalabas ang mga to. Pag malamig or mahngin nawawala din. Nung hindi pa namin alam yun, ang sinisisi niya kami kesyo daw lagi daw naming hinahalikan kahit hindi naman kasi kahit kaming magasawa takot kami halikan si baby. Tapos sa simpleng pagbuhat ng baby ayaw niya ipabuhat samin, masspoil daw pero siya todo buhat kahit kailan niya gusto. Isa pa, pagnatutulog na ang anak ko, ginigising niya pag bored siya. Natural iiyak di ba? Ang sisisihin nanaman kami kesyo hindi daw namin siniaigurado na nalalamigan siya or hindi kinakabag, etc etc. Pinakanaiirita lang ako ay yung mga pabulong bulong niya. May bisyo kasi si husband na pagyoyosi pero sa tuwing hahawakan niya ang baby namin, naghuhugas siya ng kamay, naghihilamos, nagttoothbrush at nagpapalit ng damit plus nagaalcohol pa. Sa tuwing nakikita niya na buhat ni hubby ang baby namin ang daming satsat at bibirahan pa kami na kami daw bahala kami naman daw mahihirapan sa pagpapadoctor. Ang hindi ko maintindihan, bakit ba parang ayaw niya ipahawak sa amin na mismong magulang ni baby. Oo aminado ako na malaki utang na loob namin sa kanya dahil siya ang nagaalaga ng labahin at lutuin, pero hinding hindi ko na po talaga gusto yung inaasta niya. Matapos lang po ang quarantine maghahanap na po kami ng sariling place. Sakit sa ulo eh. Kayo po ba may ganitong experience din po ba?

Read more
 profile icon
Write a reply