Hello po , magkaiba po ba ang Pelvic at TAS ultrasound?
ULTRASOUND
☢️** Common Ultrasound terms***☢️ UTZ - ano po ang Trans V, Pelvic, CAS? 📌TransVaginal - done during the first trimester ✅ mula nalaman mo buntis ka hanggang 12 to 13 weeks na pagbubuntis, sa pwerta ang daan gamit ang transvaginal probe. ✅ Umihi muna bago mag paultrasound 📌Pelvic Ultrasound/Biometry/Transabdominal ultrasound - 2nd trimester to 3rd trimester - sa Tiyan na po ito, ✅ 13 weeks pataas para sukatin ang baby gamit ang measurement ng ulo, (BPD, HC), tiyan (AC) at femur (FL) para malaman ang timbang ni baby ✅ tinitingnan din ang tubig (amniotic fluid) at placenta 📌CAS (Congenital Anomaly Scan) - more detailed Pelvic Utz ✅ginagamitan nang transabdominal probe, sa tiyan ang ultrasound ✅mas masinsinan na pagtingin sa iba't ibang bahagi nang katawan ni baby at mas maganda gawin ito nang 22 to 28 weeks, dahil kitang kita na ang mga organs ni baby at hindi masyado nagshashadow ang mga ribs (kapag matanda na si baby) - ibig sabihin lahat ng internal organs ichecheck, haba ng kamay at paa, bilang ng daliri, chambers ng puso, spine, brain, bladder, and the exciting part is the ‼️GENDER ‼️(DEPENDE SA PWESTO NI BABY) 📎 POSITION: 📌CEPHALIC- naka pwesto una ULO 📌BREECH- una PAA 📌FRANK BREECH- una PWET 📌TRANSVERSE LIE- una LIKOD (pahiga si baby). 📎PLACENTA (inunan) ito yong nag sisilbing blood flow ni baby kadugtong ng pusod nya ito. 📌ANTERIOR: nasa harapan ng tyan mo ang inunan pwedeng hindi mo masyadong ma feel ang pag galaw ni Baby. Baby's best position during delivery. Kaya huwag masyadong kabahan kapag di masyadong magalaw si baby kasi baka Anterior sya kaya icheck mo ang position ng placenta mo sa ultrasound report. 📌POSTERIOR: nasa likuran naman kaya feel na feel mo palage ang sipa o galaw ni baby. When the baby is in posterior position, Labour can be more longer, more painful and is more likely to end with CS delivery . 📎GRADE NG PLACENTA maturity ng inunan kung nagsisimula ng mahinog. 📌GRADE 1: Nag sisimula palang 📌GRADE 2: Madalas to pag nasa kalagitnaan na ng 2nd trimester hanggnag sa gitna ng 3rd trimester 📌GRADE 3: Ready na si baby sa paglabas. 📎LOCALIZATION NG PLACENTA 📌High lying 📌Posterior fundal 📌Lateral Safe si baby if yan ang location ni placenta so wala ka sa high risk. 📎PAG NAKALAGAY AY: 📌Low lying 📌Marginal 📌Covering the internal OS 📌Complete placenta previa *** Need mo ng monitoring ibig sabihin high risk ang pag bubuntis delikado kumbaga. *** 📌 𝙀𝙁𝙒 (Estimated Fetal Weight) - Kung ilan ang estimate na timbang ni baby sa tiyan. 📌 𝘼𝘾 (Abdominal Circumference) - Ito ang sukat ng tiyan ni baby 📌 𝙃𝙇 (Humerus Length) - ito ang haba ng braso ni baby 📌𝙁𝙇 (Femur Length) - ito ang haba ng binti ni baby 📌 𝙀𝘿𝘿 (Expected Date of Delivery) - ito ang possibleng petsa kung kailan ka manganaganak 📎AMNIOTIC FLUID- Panubigan mo KAILANGAN NAKALAGAY DYAN AY: 📌NORMOHYDRAMNIONS 📌ADEQUATE 📌NORMAL -Yan ang tamang panubigan. 😁Ang trabaho nang Sonologist ay magultrasound lamang at HINDI po mag-interpret o magbasa ng resulta nang ultrasound. Bawal po mag-advice sa inyo kaya wag po magagalit pag hindi nagsasalita o sumasagot sa mga tanong nang mga inuultrasound nila. ✌ 😁Pagkakuha nang resulta ng ultrasound, magfollow-up sa inyong mga OBGYN upang ipabasa ang resulta nito. Sila po ang magbibigay nang advice kung ano ang dapat gawin kung may nakita na abnormal sa ultrasound dahil ikocorrelate nila ito sa Medical History, Physical Examination at mga Laboratoryo ninyo. ‼️P.S. PAKIBASA na lang po ng maigi ang mga detalye for Basic Knowlege, Mas magtiwala po tayo sa Doctor na nag aalaga sa atin‼️ #sharingiscaring #cttoCopyPaste
Magbasa payes po