pinalayas ko ang asawa ko
Tutal naman, waka ako sa priorities nya, pinapaalis ko na ng bahay. Nandito kami sa bahay ng nanay ko. Inuuna pa kasi ang bisyo mga magulang at barkada. Ang ending, ako nag sa-suffer na hindi naman dapat. Tuwing nakakagawa sya ng sablay, ako ang gumagawa ng paraan para malusutan nya. Yung mga kasama nya sa kalokohan, walang ambag. Magaling lng manghuthot ng pera samantalang ako, nadedelay pagpacheck up ko dahil nasasagad yung pera at madalas di ako nakakakumpleto ng gamot. Madami nagsasabi namagbabago din yun pagkalabas ng baby pero ayoko na hintayin yun at mukhang malabo naman mangyare. Sobrang stress na ako kakaisip at kakaintindi. Kala naman nya di ko kaya mabuhay ng wala sya. Jusko! Iniisip ng pamilya nya, jackpot na jackpot ako sa asawa ko jusko kung makapagsalita sila sakin. Sus! Balik ko na sya sa magulang nya para sila naman mastress. Di ko din sya uubligahin magbigay ng sustento baka kung ano pa marinig ko sa pamilya nila. Basta maalis lang sya sa buhay ko, okay na ako. Di ko naman pagdadamot si baby sknya.