Yung first baby ko mii nag preterm labor ako dahil 3 days ako sunod sunod na natagtag kaka angkas sa mutor ni mister. Kampante ako kasi 7 months preggy ako non basta pagkakatanda ko namili kami baclaran non tas kinabukasan sumama na namn ako sa mister ko namalengke tas nung pangatlong araw nag pa ultrasound ako sabi pa nung sonographer malusog dw baby ko pero nung pag uwi na namin mga 3hrs after nakaramdam ako ng labor hanggang sa nanganak ako premature birth ,masyado dw mahina baga ng baby ko kaya di nya nakayanan. Mahihirapan lang dw sya lalo kung totobohan, grabeng sakit naramdaman ko non kasi first baby namin yun at dinig na dinig ko yung pababa ng pababa nyang heartbeat habang ini ere ko sya. Kaya ikaw mii hanggat maari iwasan mo muna mag byahe palage. Sa awa ni God biniyayaan ulit kami ng pangalawang baby, I'm 5 months pregnant as of now π Minsan nalang ako nalabas ngayon pag checkup lang, ayaw ko na maulit yung una, halos ikabaliw ko pagkawala nya at panay sisi ako sa sarili ko non.
Dona Jane Acilar