Pagsakay ng motor at byahe ng 1 hour Ask ko lang sa mga mommies na everyday napasok parin sa work..

Turning 7 months na po ako . Kayo din ba kahit araw araw natatagtag sa byahe sakay ng motor at jeep okay parin naman si baby? Or baka feeling natin ok lang pero si baby nasstress or napapagod na. 1 hr motor papasok at 1 hr 30 mins. commute pauwi. Maaga din ako mag mat leave dahil natatakot na ko bumyahe ng ganun at 8 months πŸ˜₯

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Yung first baby ko mii nag preterm labor ako dahil 3 days ako sunod sunod na natagtag kaka angkas sa mutor ni mister. Kampante ako kasi 7 months preggy ako non basta pagkakatanda ko namili kami baclaran non tas kinabukasan sumama na namn ako sa mister ko namalengke tas nung pangatlong araw nag pa ultrasound ako sabi pa nung sonographer malusog dw baby ko pero nung pag uwi na namin mga 3hrs after nakaramdam ako ng labor hanggang sa nanganak ako premature birth ,masyado dw mahina baga ng baby ko kaya di nya nakayanan. Mahihirapan lang dw sya lalo kung totobohan, grabeng sakit naramdaman ko non kasi first baby namin yun at dinig na dinig ko yung pababa ng pababa nyang heartbeat habang ini ere ko sya. Kaya ikaw mii hanggat maari iwasan mo muna mag byahe palage. Sa awa ni God biniyayaan ulit kami ng pangalawang baby, I'm 5 months pregnant as of now πŸ˜‡ Minsan nalang ako nalabas ngayon pag checkup lang, ayaw ko na maulit yung una, halos ikabaliw ko pagkawala nya at panay sisi ako sa sarili ko non.

Magbasa pa
2y ago

hala eto ung kinakatakot ko habang nabyahe ako papasok at pauwi 😭 first baby din namin to saka twing check up ko laging sinasabi ni Ob ok naman si baby. 6 months palang ako now, 8 month mag mat leave na ko. nagppray na lang ako lagi na palakasin at gawing healthy si baby. November hanggang mag due ipapahinga ko tlga katawan ko. isang buwan na lang naman πŸ˜₯πŸ˜₯ congrats sainyo mi. have a safe delivery and be healthy sainyo ni baby. thank you sa pag comment 😊