33 Replies

20-25k budget for NB stuff isn't tipid for me, momsh. Sorry ha? I got quality and branded products for my first born last 2018 like spectra pump and avent bottles, mamypoko diapers, j&j wipes, perwoll liquid detergent, and few newborn clothes and other essentials from SM Store. Other clothing items were gifted to us during baby shower. I took advantage of the sale season and deals with my credit cards kaya nakasulit din. Including our e-sterilizer and baby first bath tub, naka 10k ata ako nun. But all were good investment kasi they are still in good condition up to now (20 mos old na panganay ko.) I got very few items from reputable online shops like our ringsling carrier. I am not a fan of online shops... Tingin ko, di sulit, especially ang daming knock offs and counterfeit items circulating nowadays. Seller can simply claim theirs are authentic but how can you be aure of? Now that I am about to give birth to Baby2, I did the same thing but spent lesser kasi yung NB items ni kuya, lahat ay magagamit ni bunso. Just stocked up on NB diapers, 2 Phillips Avent bottles for pump milk (on sale, 40% off) and new booties, caps and mittens from the baby section of SM Store. Nasa 5k lang ata lahat, good for a month or two use na ni baby. 😊 Naka shop now get billed later, payable within 6 months pa 😊😉

That's good to know! Mura na nga if kasama pa pala yung stuff na wala sa posted photo. Also, that you've edited your post to include na until 12mos pala na gamit ni baby ang mga yan. Kasi the impression you made initially was the items were for newborn only and most of the products were mid-range pa kaya for me, it seems na di ka talaga nakamura. But you know yourself if you got yourself a good deal and that's enough 😊❤️

When you say "tipid", syempre lahat ng pag titipid talaga gagawin mo. Katulad ng pag hahanap ng cheaper brand pero subok na. For example sa bottles why don't you buy farlin or baby flo brand kung nag titipid. Or for detergent perla lang sapat na. He he sorry mommy pero for me di po sya tipid tips or advisable for other mommies talaga para maka tipid. Pero okay lang po yan kase may budget ka naman po. At baby mo naman ang makikinabang sa lahat ng mga nabili mo. Pero for me talaga yung word na tipid ay Hindi po applicable sa post nyo. 🤗✌ - (in my own opinion lang po momshie)

Sooo true! Nagulat lang ako sa sinabi nyang "TIPID TIPS" eh umabot ng 20k to 25k.. hindi naman tipid yun. 😂

I prefer buying things that are really essential. Lalo lalakihan lng ni baby. Honestly I didn't buy tie sides for my second child since gagamitin nya ung sa ate nya nun. Practical n kc buhay ngayon. mas malaki pa gagastusin pag nanganak at paglabas ni baby. I won't buy things for baby n alam kong d nmn nya mggamit ng matagal. My husband and I are both working in government and pinaglalaanan nmin ang mgagasatos sa hospital kesa sa mga gamit na sandali lng nmn gagamitin. I didn't buy avent for this time for I am determined to breastfeed my child. Gagastos aq sa epump and milk storage for sure. I am a wise mom.

Parang sobrang laki ng 25k 😮 napakabilis lang lumaki ng baby 😊 kami sa panganay ko, tig 3pcs lang ng newborn dress. Tshirt, sando, longsleeve, isang frogsuit (panglabas ng hospy), then 4pcs pranela lang. Sa dept store pa kami bumili 2.5k lang bill namin. Diaper and cottons lang naging gastos paglabas ng hospital. 2x lang kami bumili diaper pang newborn then S na agad size after kasi napakabilis lang lumaki. And 3x lang kami gumamit sa S size, nagpapalit na agad sa M size. Pampers pa gamit namin. Kaya super laki ng 25k para sa NB things :)

Gamit ni baby sis di lang pang nb mga onesies nya hanggang 12mos na mga pang alis yung pang ootd hanggang 12mos din po ☺ kasama na sa 25k yung wooden crib with foam and cribset bukod na nasa pic, electric cradle automatic with lullaby music, sterilizer, rocker, walker at durabox sa 25k. ☺☺ di ko na nasama sa pic yung iba kasi masyado na pong madami.

VIP Member

Nakakaloka ang daming hateful and negative comments sa post mo sis wag mo nalang pansinin and wag kana mag explain saknila hahah I agree with you mura na yang mga binili mo after all its a good investment para naman sa sariling baby mo yan and kung san sya mas magiging comfortable unlike bibili ka nga mura mabilis naman masira or pumangit at the end bibili ka nanaman ng bago mas mapapamal lang. mas okay na yung mag invest kana sa umpisa and bumili ng medjo mahal mas matagal mo naman magagamit 😉

Thank you po momshie sa support 😘😊

MoMmy wag mo na ipaglaban na NAKATIPID Ka kase walang maniniwala sayo. Mdami kang Luho at Kaartehan na Binili. Mga gmit na mbubuhay naman ang Baby kaht wala ung mga Kaartehan na Yun. Hindi ka Nagtipid. Nagluho Ka po. Lucky si Baby mo ksi may Pangluho ka pero ang hanap ng kramihan is Yung totoong nkakatipid at hindi Nkatulong ang video mo Ate.

Napanood nyo na po ba? Pasensya na kung for you po di po nakatulong yung video ko. Pero kung di pa po try nyo po bigyan nyo ng chance at silipin po yung video ko. Kasi dun ko po inexplain sa vid po e. ☺

20 to 25k tipid? Sorry but i don't think so. Sna ung tlgang helpful sa mommies na hndi naman malaki ang budget. 😊 Mention Farlin bottles, Smart Steps detergent, only if the goal is to share Budget friendly items. Un ung mga brands kung "paano mkakatipid". Branded items is not tipid and not helpful for mommies na may limited budget.

Nagbigay po ako sa description box ko sis. May alam akong 10% off Min. Spend ₱0 capped at ₱200 ito yung code nya HPWSHOPEEB5W9 , GLOBE917 or HPWSHOPEEB2BE. Kadalasan naman na mga 20% or 50% biglaang nagbibigay si Shopee nun sa homescreen nila. Kaya noon lagi akong tambay sa shopee nag aabang ng discount or cashback ☺☺

not all can afford your avent bottles and other stuff, mostly here po kasi nagtitipid tlga, ung swak lang sa budget nila sorry po pero yours is not pagtitipid, lucky you cause u can afford to buy all those stuffs for your baby. ung sinasabi na pagtitipid po is low budget lang not like your budget.

Hello po sis. Siguro nga po ganun pasensya na kung yun po ang dating sainyo siguro nga po ako po yung may mali na nalagay sa post ko. Thankyou po kasi napansin ko.☺ Siguro ang ilalagay ko nalang "Paano ako nakatipid?" ☺ Siguro po mamahalin nga po mga nabili kong baby stuff pero tingin ko naman para sa baby ko makakabuti po sa kanya yun. Kasi Honestly lahat po ng mga stuff na binili ko is yung lagi ring nirerecommend ng mga momshie dito at tiwala naman akong safe at naleless yung pangamba ko. ☺

Nag subscribe ako sis. Goodluck sainyo ni baby! 😘 Don't mind kung ano man sabhn ng iba sau, you know what's best for your baby. Iba iba lang dn kasi talaga ng standing sa buhay. For sure pinaghandaan mo yan kaya happy ka ishare saamin. Basta para kay baby if may budget GO lng 😊 Godbless mommy!

Hello sis. Thankyou po. ☺ Okay lang naman sis di ko naman dinadamdam mga ibang comments okay lang naman sakin yun. Ang intensyon ko lang naman ay magshare. ☺☺ Nagpapasalamat din ako sa Apps na ito kasi most na nga nabili ko is nakitang kong recommended ng mga momshie at proven and tested na sa kanila kaya mukha mang mahal mga nabili kong stuff is para sakin nakatipid ako kesa sa nakuha ko sila sa reg. or orig Price. Pero Thankyou po sa concern sis sobrang naappreciate ko Have a nice day 😘💖💖

Panuorin ko sana channel mo di ko ma open bagal ng data ko haha. Ung avent bottles gusto ko sana nian kaya lang ang mahal kase eh sakto may nagbigay sakin ng baby flo na bottles sayang naman kesa bumili pa ko, pwede na yon tsaka balak ko tlaga mag bebreastfeed ako kay baby.

Oo, okay lang yon para naman kay baby kahit mahal diba. Kung afford ko lang bibili din ako ng ganyan.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles