Bawal magpamasahe?

Totoo po bang bawal magpamasahe pag buntis? Nagpapamasahe po kase ako kay hubby minsan pag masakit likod or pakiramdam ko. Di naman hard massage, mahagya lang. May nabasa kase akong bawal daw. On my 7th week pregnancy btw.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag lang po Pelvic area, lower back, wrist, legs at ankle. Pressure points po kasi and prone sa blood clotting according po sa mga nabasa ko. Pinapa-massage ko lang po kay hubby ay balikat, batok at noo to relieve ngalay and sakit ng ulo.

Ok lang nman siguro momshie basta wag lang sa tiyan. 7months na ko ngayon ever since 1st month nagpapahilot talaga ako kay hubby kasi masakit sa likod lalo na sa balakang at paa. So far ok nman ako, pero iwas2 lang po sa mga points.

kung bandang itaas ng likod pwede naman pero light massage lang iwasan lang ung bandang pelvic area kasi nasa 1st trimester ka pa lang baka mapaano si baby doble ingat po lagi

Ako po alternate ako nagpapamasahe kay hubby. Pero sa kalahating part lang ng likod ko dun sa bandang taas. Hindi daw pwede ipahilot yung balakang e.

Pwede kung light massage lang,wag lang yung total massage or hilot. Wag din madalas. Iiwasan lang yung bandang puson at pelvic area.

pre natal na masahe po may mga license na nag peperform po sa gnyan

pwde light massage mii . wag ung hard bawal talaga

pwde naman po wag lang sa tiyan.

pwede naman