Pagpapaypay kay baby
Totoo po ba na masamang paypayan ang baby na wala pang 1yr old kase magkaka bungang araw daw? Dame dame naman kaseng pamahiin kuno ng mga tsismosa dito samen minsan nakakainis na den, diba nila alam yung tagline na "My Child, My Rules" pag naman nangatwitan ka ikaw pa masama 🙄 pawis na pawis na ung bata tas di mo pwedeng paypayan eh ang init init 😑
lalo lang magkaka bungang araw si baby kung hindi mo papaypayan kasi naiinitan lalo. hayaan mo sila kung anong sinasabi nila. ako never akong naniwala sa mga ganyang pamahiin, until now na 2 yrs. old na anak ko, wala namang nangyaring masama. your child, your rules sabi mo nga 🙂
Ngayon lang ako nakarinig ng bungang araw dahil sa pagpaypay. "Prickly Heat" ang English ng bungang araw. Lalo ngang magkakabungang araw kapag naiinitan si Lo. Baby nga namin laging gusto may electric fan. Wala namang bungang araw. Lagi pa nga nakahubad pag mainit
hahaha katawa naman mga un sis hayaan mo sila. Common sense sis if mainit at hindi mo paypayan baby mo tlagang magcause yan ng bungang araw! hayss hayaan mo sila gawin mo ang dpt pra sa anak mo.
okay lang po magpaypay lalo na kapag mainit talaga, kung magkaroon man ng bungang araw si baby normal namn po yon ,pwede naman lagyan ng fissan na pang prickly heat tapos mawawala na po🙂
ay true, nakakainis lang talaga. Minsan di ko maintindihan kung nasan ang common sense nila. haha! Minsan walang basehan mga sabi sabi nila mas nagiging kawawa mga bata. hayyyy
mommy mas magkakabungang Araw Ang baby na laging napapawisan 🤣 everytime may rashes mga anak ko recommended ni OB maligo twice. bawal pawisan Kasi lalo mangangati.
HAHAHAHA ngayon pa ako nakarinig ng ganyan mi.. kahit 1 month palang baby ko pinapaypay ko dati kasi sobrang init samin kapag tnghali.. nakuuu wag kapo maniwala jan
🤦🏻♀️🤦🏻♀️ Nkoo momi.. Kung ikaw nga naiinitan eh.. Ano p anak mo. At nkikita mo nanlalagkit n anak mo.. Hnd mo pb papaypayan
si baby ko nung maliit pa nag-eelectric fan naman siya 🥴 pag sobrang init nagkakabungang araw / rashes siya may pagkasensitive ang skin niya eh
naku kung ako yan mami bibigay q sakanila ang pamaypay hahaha. dami nilang hanash sa buhay e ikaw naman ang nanay.. naku. hahah kairita ang ganyan