Lying in or public hospital
Totoo po ba na malaki yun chances na mahirap manganak ng normal pag first baby? Sobra naguguluhan na ko di na kami magkaintindihan ng asawa ko kasi sya gusto nya sa lying in ako lasi simula umpisa don na ko nagpapa check up at kilala na namin yun dra. kaso if ever na ma CS ako affiliated nya is private hospital. Un biyenan ko pinipilit sa public hospital ako kasi mas sigurado na magiging ok daw ako kahit ano mangyari dahil ospital un at di ako gagastos ng malaki. Ako yun nahihirapan mag desisyon ngayon. Halo halo na yun emosyon ko. Medyo na stress na din po ako kasi ilan weeks na lang pwede na ko manganak.