Maiba lang mga may question lang ako

Totoo po ba na bawal mag ninong at ninang sa iisang bata ang mag partner lalo kung di pa ksal kesyo parang inuunahan daw na di para sa isa’t isa o di maikasal na parang hanggang dun lang daw sa pagiging ninong ninang? Kinukuha kasi kami ng LIP ko ninong ninang sa binyag ng anak ng kapatid ni LIP, di rin naman kai pwedeng tumanggi diba po?

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ngayon ko lng po narinig, pero if pamahiin po, then it's just that, a pamahiin. Nasa sa inyo kung maniniwala kayo o hindi. Pero kung galing sa simbahan, then I guess it's their discretion. Kasi strictly speaking (for the Church, not mine), bawal rin ang mag-Holy Communion ang nagsasama nang hindi kasal. So I'm not sure if that restriction extends to the other Sacraments.

Magbasa pa

Yung Tito at Tita ko noong di pa sila kasal ninong at ninang ko na, Pero ngayon 27 yrs old na ko kasal na sila 25 yrs. Masaya naman sila at hindi naman naghiwalay.

Di naman po, pamahiin lang po tlaga yan, mas madalas nga po dito smin, pag kinukuha si mama na ninang automatic tandem na sila ni papa, ninong na agad sya.

Karamihan naman sa mga ninong at ninang ngayon hindi kasal.