TOTOO BA ANG TIKTIK?

Totoo po ba ang TIKTIK? buntis po kasi ako at sabi ng mga kapitbahay namin may umaaligid na tiktik sa bubong namin, natatakot po ako πŸ˜₯

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Totoo po ang tiktik, taga probinsya din po ako. Buntis din ako ngayon at madalas ako bisitahin, although hindi sya nahuni ng tiktik, pero sa bubong namin laging may nakaluskos na parang kinakalmot nya yung yero at tumatakbo na parang pusa pero wala naman meow, hehe. may time rin na parang may lumalakad na tao sa bubong namin kasi rinig yung pag apak sa yero. townhouse nga po pala tong bahay namin at sa second floor, wala din kami puno na katabi para pag akyatan ng pusa dahil wala tatalunan ang pusa paakyat sa bubong.

Magbasa pa
4y ago

Add ko lang din po, last year buntis din ate ko at binibisita din sya ng tiktik, rinig po kasi yung huni then ganun din po, may lumalakad na parang tao sa bubong or minsan may bigla nalang babagsak sa bubong namin tapos mayuyupi nalang ang yero sa sobrang lakas. Ang tawag na nga lang po namin dun eh na-landing sa bubong namin. Medyo nasanay narin po kami dahil bata palang ako eh may ganun na. Pero syempre nag iingat parin po kami. Pwede po kayo maglagay ng buong calamansi sa may bandang tyan nyu, itali or ilastiko nyu po. Kung mababa po bubong nyu, maglagay po kayo ng aroma (yun po yung sanga ng puno na may tinik). Ramdam ko kasi kapag dinadalaw ako ng ganyan, dahil naninigas po tyan ko then yung pakiramdam na parang hinihila yung binti ko, tapos biglang lilikot si baby ng sobra. madalas na pinupuntahan ako around 11pm-3am.