TOTOO PO BA ANG TIKTIK?

hello po mga mommies tanong ko lang po if totoo po ba ang tiktik halos 5am nako nakakatulog dahil sa mga kaluskos at apak na mabigat sa bubong namin kaya hindi ako makatulog ng maayos 7weeks po akong buntis🥺

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Not a believer until I experienced it firsthand, sa Muntinlupa nangungupahan si hubby kasi Doon Yung workplace nya, nang mabuntis Ako Doon na din Ako nagstay, bale pareho kaming Hindi taga-doon kaya daw binibisita Ako, kumakaluskos gabi-gabi Yung kisame namin with TikTik sound, pati mga kapitbahay sa babang apartment nagsasabi din Kay hubby na mag-ingat nga daw Ako kasi nararamdaman din daw nila yung aswang sa paligid, Yung mga alagang manok at aso sobrang mga balisa pag takipsilim na. At talagang bumibilis tibok Ng puso ko nun tuwing nagsasaboy Ng asin at bawang Asawa ko sa bintana. Yung Lugar kasi namin Doon nasa dulo na, TAs may creek sa likod na may maraming Puno at talagang mabigat Ang energy sa Lugar na Yun.

Magbasa pa

Pwedeng pusa nga pero Biblically totoo mga aswang, mas naniniwala nga pastor namin n May aswang kesa multo. Niwey, sa mga probinsya no doubt maraming nagsasabi na Meron even me may mga nranasan nadin sa province namin pero don’t stress yourself, pray ka lang , always remember na si God ang most powerful kaya don’t worry . If Doubt ka, try to cover your belly with black shirt ng asawa mo Ung dpa nalalabhan na nagamit nya, and put garlic and salt sa bintana, then walis tingting na nakabaliktad 😅 tnry ko yan lahat wala nman mawawala kung ittry. Nabasa ko lang din suggestion ng ibang mommy sa fb group hehe.

Magbasa pa

ako naniniwala akong totoo Kase Nung buntis Ang mader ko sa kapatid ko talaga Hindi kami pinapatulog nag wawala may times pa na nakita namin sya nakasilip sa cr Yung yero Kase namin may awang sobrang nakakatakot Yung itsura😬 4 apat kaming mag kapatid lalaki Lang Yung Hindi tiniktik 3 babae tinitiktik talaga si mader, mag saboy kapo Ng asin sa bubong sa paligid Ng bahay nyo pati bawang sa pinto at binta

Magbasa pa
TapFluencer

Sabi sabi po totoo yun, mabango daw sa pang amoy nila yun mga buntis.. Kaya ginagawa ko may walis ting ting ako sa tabi ko tapos bago ako matulog pinapalo ko sa pader namin, tska lagi ako may asin. Wala naman din masama if maniwala sa ganun, wala naman nawawala if sundin po yun sinasabi nila..

Dont stress yourself mommy. Sa dami ng porsyento ng nabubuntis araw-araw. Wala naman nababalitaan na tungkol sa tiktik or aswang. Ako nung buntis, never ko na encounter kung saan2 kaming bahay tumira. Malapit pa nga sa paanan ng bundok.. wala naman nagtangka 😂

ako nga po sa taas ng double deck yung higaan, isang dipa lang pagnakahiga yung mismong bubong pero wala pa naman naeencounter na aswang. pinalibutan din kasi ni hubby ng bawang bawat sulok ng kahoy, wala din kisame. rekta bubong. 7weeks preggy din.

Sabi mamsh meron daw talagang ganon. Pero ang hindi totoo is yung bubutasin tyan mo at kukunin yung baby sa loob. Ang tiktik daw is malakas ang pang amoy pag may mga buntis. Dapat daw may bawang ka sa kwarto para makontra yung amoy ng baby.

TapFluencer

Huwag po papa-stress. Mga kathang-isip lang po ang mga ganung characters. Baka po pusa ang naglalakad sa bubong nyo mommy.

baka pusa lang yun mamsh