tiwalang nasira

totoo pala kapag nawala na tiwala mo sa isang tao, bawat kilos nya may duda ka na. minsan hindi mo na din alam kung yong nararamdaman mong kutob, kaba eh totoo pa ba. yong tipong dapat ko ba paniwalaan tong kaba ko or trauma lang to. im 26 weeks now at medyo hirap sa pagbubuntis, hirap makatulog, dagdag pa sa reason kung bakit di makatulog yong kaba ko. pero im fighting the thoughts regarding sa kung may ginagawa na naman syang kalokohan. may part ng isip ko na pagod na sa kanya at sinasabi ko na lang sa sarili ko na bahala na sya kung gagawa ulit sya ng ikasisira namin. may part ng isip ko na layasan namin sya ng dalawa naming anak at kung maghiwalay man kami ngayon habang buntis ako, bahala na. kaya lang ayoko naman madamay mga anak namin. yong panganay namin na 7yrs old, minsan umiiyak sya tapos sinasabi sakin, samin na ayaw daw nya maghiwalay pamilya nya. yong maiiyak ka na lang din pag naririnig mo yon sa anak mo kasi alam mong grabe na syang naaapektuhan. kaya now, no choice ako kundi magtiis.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

siguro din po dahil sa hormones natin kaya minsan grabe din yung emotions natin first time mom po ako and im 23weeks pregnant po meron akong live in partner na hindi naman sya nagloloko or ng babae po pero kase para syang nababaliw sa online sugal nung una okay lang kase parang libangan lang pero nung tumatagal nag iiba na sya both kami nagtatrabaho at dati yung mga sahod nya sakin nya binibigay pero neto lang sinosolo nya na at sa sugal nalang dinadala yung pera at panay din bigay nya sa nanay nya kung kailan nagka anak saka naging tarantado ang balak ko naman ngayon tapusin nalang yung trabaho ko hanggang May kase sa june na due date ko at parang ayoko nalang din sya ilagay sa birth certificate ng bata kase wala naman akong napapala sakanya na iistress lang ako tuwing kakausapin mo mumurahin ka lang at sasabihin na wala kang pakelam maiiyak kana lang talaga.

Magbasa pa

same Po di ko alam kung Meron syang iba,Ang babaw lng Ng dahilan nya ,nadatnan nya ko pag uwe nya na nkahiga na ,Sabi di man lang dw ako naglinis inuna ko dw pmunta sa nanay ko at anak ko sa pagkdlaga ,sympre day off ko gusto ko din Makita panganay ko,,ayun nag alsa balutan uunahan nya pako edi inunahan ko na syang umalis ,hnggang nagyon di pa Rin kame umuuwe sa inuupahan namin,minsan nagiging emosyonal ako kse sa liit Ng dahilan nya iiwan nya ako Ng ganito buntis pa,Ang sakit lang sa part ko bilang babae ,ayw ko na Ng broken family 😭

Magbasa pa