Ask the Expert: Managing BIG Emotions in Parenthood: Bakit ang bilis kong magalit at umiyak?

🗨Topic: 😫😡Managing BIG Emotions in Parenthood: Bakit ang bilis kong magalit at umiyak 🥲👶🏻❓ 🗓 Date: Wednesday, April 24, 2024 ⏰️ Time: 1.00pm - 3.00pm 🤱🏻🥲 💬Hi, I'm Kate Delos Reyes, Founder of Beacon and a Mental Health Advocate. Join me at the Ask The Expert session on dealing with BIG emotions in parenthood! 🥲😡🤱🏻Kasama ang theAsianparent team, tutulungan ko kayo na mas maintindihan ang ating emotional and mental health as parents. Pag-uusapan natin ang mga sumusunod: Bakit ang bilis kong magalit o umiyak nung naging Nanay/Tatay na ako? Bakit mas madalas na kaming mag-away mag-asawa nung nagka-anak na kami? Why do I experience BIG emotions as a parent? How do I properly deal with these emotions so they don't affect my child’s development? How do I know if I have Postpartum Depression or Anxiety? And more... See you!

Ask the Expert: Managing BIG Emotions in Parenthood: Bakit ang bilis kong magalit at umiyak?
45 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung anu ano nasasabi ko lalo na sa panganay ko... ung 2 months old baby ko napapagalitan ko pag ayaw matulog at iyak pa ng iyak... sasabay pa yung panganay ko na 4 yrs old na ayaw sumunod sa akn... nakaka stress 😭😭 perk nagiguilty ako kc sabi nga ng nanay ko kayo ang may gsto na buhayin sila sa mundong ito tapos gnyan gngawa mu... d ko mapglan ang galit qo naiiyak nlang ako at napapasigaw sa konting gawn mali ng anak ko

Magbasa pa
2y ago

Naiintindihan kita kasii ganun din ako minsan. This usually happens kapag naipon na yung stress tapos hindi makalabas yung stress sa ligtas na paraan. Kaya sumasabog tayo. When this happens, ask yourself kung may mga iba bang nangyari sa araw mo na nakakaapekto sa mood mo. Nakatulog ka ba ng maayos? Nainis ka ba sa ibang tao tapos di mo masabi? May mga gusto ka bang gawin na di mo magawa? Start by being curious about your emotions because they give us clues to what we really need.