FUNNY HUSBAND [CS STORY] Hahaha
Too funny not to share. Naka schedule ako for [2nd] follow up check today. Clinic hr is from 4pm-6pm. Si husband late na nakauwi. Meron kasi sya client na mineet. Been calling him nung 4pm palang. Di nya nasasagot kasi hes driving. Nakauwi sya dito 6pm. At saka lang nya naalala na may appointment kami kay OB. Sobrang galit ako, inis na inis kasi this is something na di mo dpat maskip dhil kelangan makita ni OB tahi mo every check up. [Btw, i already called my OB and I was re-scheduled on tuesday] Sorry ng sorry si Hubby. Dahil gusto ko makabawi sa kanya. Pine prepare ko ung Cotton, betadine, alcohol, gauze and tape sa harap nya. Me: LINISIN MO TAHI KO, MAY PART NA DUMUDUGO AT MAKIROT. ETO UNG DAHILAN KUNG BAKIT MAY FOLLOW UP CHECK ANG NA C-CS [Charot lang yung may dugo, exagg ko lang para matakot sya. -- kasi knowing my husband for 10yrs, takot tlaga sya sa dugo,tahi,opera. As in nahihimatay sya kahit cut lang ng knife sa daliri. ? Ako talaga naglilinis ng tahi ko everyday, gusto ko lang gumanti] Hubby: BABY, DI KO KAYA TINGNAN YAN. PLEASE! ME: [evil look] NAMISS NA NATEN UNG DR. APPOINTMENT TAPOS DI MO PA LILINISIN SUGAT KO? Wala sya nagawa. Haha pag open palang nung gauze, namumutla na sya. Nasusuka. Naluluha. Pero tinapos naman nya paglilinis dahil alam nya galit na galit na ko. ? Sabi ko sa kanya, dyan lumabas ang anak mo, sobrang sakit, sobrang kirot. Sana maintindihan mo na di binabalewala ang ganyang sugat. Hayun, natawa na lang kami sa huli kasi nakakatawa itchura nya ???