pano maging matalino ang baby
Any tips po para maging matalino ang isang bata?
its a nature-nurture thing. Nature meaning namamana, nurture naman is sa pagpapalaki. Surround your kid with smart and good people at sikapin niyo din parents na maibigay ang mga essentials na makakatulong para madevelop ang potentials ng anak niyo. Dapat iexplore niyo kung san ba siya magaling para maassist niyo siya maggrow sa aspect na yun. And syempre, support. Napakahalaga nun sa bata. Para may internal motivation siya mismo na mag aral. Lagi niyo siyang suportahan at iappreciate para mahalin niya ang pag aaral.
Magbasa padifferent factors po mommy,mostly sa genes na yan depende din kasi sa brain connections na nadevelop since nsa tyan pa at habang lumalaki.makakatulong din po proper nutrition healthy foods, yung mga tao sa paligid/environmental factor at sa paggabay ng magulang po..wag lang ipressure si baby ang importante lumaking masayahin mga anak natin
Magbasa paparang laughtrip to siguro maging matalino ang baby basta natuturuan na habang nalaki para habang nag kakaisip sya magiging interested sya sa mga bagay na makakapag patalino sa kanya tas dapat gulay gulay din pampatalas ng utak , di ko sure may mga tao kasi matalino kahit di naalagaan ng maayos e pero idea lang naman yan haha
Magbasa paMaraming klase ng smart, book smart, street smart, high iq, high eq. malaking factor ang genes pero depende din yan how you will hone/sharpen it. Kahit mataas IQ kung hindi siya natuturuan or naguide useless lang. Gifted man o wala, instill hardwork and discipline so he/she can achieve whatever. :)
yung dating ob na pinuntahan ko, sang katerbang vitamins nireseta sakin as in x2 or x4. para daw matalino si baby, kaya iniwan ko yung ob na yun, baka maover over ako 🤣 tipong 2x a day daw ng folic acid, 4x a day daw ng fish oil mga ganon.
genes. pero malaking tulong ang kausapin palagi ang bata. let your child listen to you talk with others. wag mo ibaby talk.
Genes, at malaking factor po ang magulang kung may patience sa pagtuturo sa anak.
3mos old palang si baby pero feeling ko pagka kakausapin si baby palagi🤭🤗
Kausapin palagi, turuan, pagtyagaan, pakainin ng nutritious foods
Genes po. Usually namamana sa mother alam ko eh. 😊