Baby's Hair

Any tips po paano kumapal buhok ni baby? Babae po sya minsan napagkakamalang boy dahil wala masyadong buhok. 2 and 1/2 months na po sya. ?

Baby's Hair
100 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pag 1 year old na sya and manipis parin, lagyan mo ng aloe vera (yung pipitasin mo talaga tapos kukunin yung parang gel) then lagay mo sa buong ulo. After matuyo, lagyan mo naman ng gugo (pinigang gata) kahit 2x a week lang or once, kakapal and gaganda yan, ganyan din ako nung baby and yan ginawa ng lola ko, inLagaan nya lang sa gugo at aloe vera then ginawa ko din sa Anak ko. Effective naman and walang masMNg effect kssi all natural 💖 hope this one helps

Magbasa pa
5y ago

Wait mo nalang mag 1year. Then try mo 💖 gaganda pa lalo tubo ng hair nya 💖

Ako din walang hair nung baby until mag 1 year old ako. Kaya everytime na tinitignan ko yung 1st bday celeb ko, natatawa ko kasi mukha akong beks na nakadress, may headband and hikaw. 😂 Kaya di na ako magugulat if wala ding hair si baby. Pati kasi daddy nya kalbo din nung baby. Turban is uso naman sa babies, cute pa tignan. More kikay outfits din, and pahikawan si baby hehe.

Magbasa pa

hayaan mo lang kakapal at tutubo din yan. ako nga nung pinanganak sabi ni mama sobrang kinis ng ulo .. pic ko nung 1yr old parang balbon lang yung buhok ko pero ngayon makapal naman wala namn ginamit na kahit ano mama ko. suutan mo nalang ng mga turban para cutee 🥰

Headband is life lng po muna momsh, kasi si lo ko masyadong makapal ang hair pero napagkakamalan parin syang boy. For me accessories will also a big help din po. Tip: while pregnant at an early stage, water with calamansi will promote a good hair growth ng baby

Post reply image
5y ago

Gagawin ko yan mamsh pag nabuntis ulit. Hehehe. Ty mamsh 😘

na pakalbo na po ba sya? kase ung baby ko nung 1week n po sya pinakalbo sya ng daddy nya. ngayon haba na ng buhok nya 11months. pero sabi ko sa asawa ko hindi ako naniniwala sa pagpapakalbo, balbon kase ako at makapal ang buhok kaya may pinag manahan.

Super Mum

Momsh ung ate ko nagwork dati sa Thailand pag 2months po ng baby,un po yung alaga nya plagi nya nilalagyan ng blueternate po all over the head. Alam nyo po yung blueternate momsh? And then grabe daw kakapal ung hair ng alaga nya at super smooth.

5y ago

Search ko po mamsh. 😊Ty

Ganon po talaga. Ung mga bby girls maninipis at parang kalbo kesa mga bby boys. Nabasa ko po yan at ganon din ang anak ko 2months parang kalbo unlike ung kuya nya nung bby pa ang kapal ng buhok at para girl talaga

VIP Member

Baby pa naman sya momsh, tutubo pa yan. Hehe. Palagyan mo na lang sya ng hikaw. Tapos try mo sakanya Nivea Head To Toe Wash, may castor oil kasi yun. Nakaka help magpakapal ng buhok. Yun gamit ng baby ko 😊

VIP Member

Normal lang yan mommy meron talaga mga baby na hindi agad tinutubuan ng hair yun iba nga 2y/o na hindi pa rin kumakapal.blagyan mo na lang sya ng headband at suutan mo ng kikay na dmit para girly sya 😊

Cetaphil shampoo is proven & tested na for my baby, manipis din hair nia dati at napag kakamalan na boy din pero nung pinag shampoo ko sia ng cetaphil kumapal na agad at ang ganda pa ng tubo.