FIRST DATE
Tingnan nga natin kung tanda niyo pa... Saan ang first date ninyo ni hubby??? Kami sa jollibee SM... Kayo mga momshy???

Hindi ko na maalala. Pero lagi kaming SM 'non kapag gagala o sa Complex. Then ang lagi naming kinakainan, Mang Inasal o Jollibee eh. 😁
Sa Cebu sa Tops hahaha patago pa kase medical intern cya tapos nurse ako eh hindi yun pwede kase he's from another country hahahahaha
After work ng 10pm lumabas pa tlaga kmk at patago sa tatay ko😂 mcdo ng capas tarlac while bahay nmin is mabalacat pa ako😂😂
Actually, I met up with him sa port kasi kakauwi nya from davao and we headed straight to Kumpares❤️ for dinner☺️
Kfc sa Vista mall then always patagong date sa food choice ng sm aura hahahaha bawal mag jowa ang manager ng crew eh😂
Malapit sa kanto ng bahay nmin, nag footlong at softdrinks ska kwekwek kmi, parehas pa kasi kmi students dati😅🤣
Sa restaurant sa timog nakalimutan ko name pero sarado na sya 😂 Basta yng restaurant na may different cuisines
Sa Mcdo. First date namin first time din magkita. Ayon natakot ako kaya nung umorder siya pumuslit ako ng alis hahahaha
Mcdo sa starmall sjdm bulacan. Burger lang inorder namin. Dun pa lang siya nagsabi na manliligaw siya. Haha!
Hindi ko na maala hahha pero sa silogan un hahaha epekto na ata to ng pagod sa pagaalaga sa anak hehehe


