Single Mom in the Making

Tinalikuran ng bf ko ung bata nung nalaman nyang buntis ako. Di nya daw aakuin ung bata. I was 5 months pregnant that time. Pero di totally naputol ung communication namin. Kahit pinagmumumura ko sya. Minamaliit ko pagkalalake nya. Pati pagkatao nya. He was there. Pero minsan nawawala wala sya. Once 4 days, then tumawag, asking if I was doing good, ung health ko. Then one time di sya nagparamdam ng 1 week. I just let him. Tinitiis nya daw ako. Kaso di nya daw kaya. Then naging okay ulit kami. Nagkita. He showed so much love and care. Binigyan nya pa kong pera pambili daw ng gatas ko. Binili nya lahat ng food na gusto ko that day. Pero di namin napag usapan ung tungkol sa pag ako nya sa bata. Kapag tinatanong ko sya about sa status naming dalawa he became uneasy di nya masagot. Hindi nya pa daw masagot sa ngayon. And I cant stand it. Ayoko magmukhang tanga na umaasa someday na magiging okay kami. He's leaving me hanging in the middle. Tinatry ko namang iwork out ung ganong situation pero di mapakali ung utak ko e. I dont want to settle in that situation. He shows he cares, palagi nyang pinapaalala ung gatas ko. Na kumain ako ng mga gulay at prutas. Sabi nya magfocus daw muna ako sa health ko at sa bata. Pero nag aaway talaga kami pag nagtatanong na ko tungkol sa relasyon namin. Ngayon nag away na naman kami. Tinanong ko sya kung mahal nya pa ko. Ayaw nyang sagutin. Napaparanoid ako. How come na hinahayaan nya kong matulog wondering if he stilll loves me or not? Any advise on what should I do? If ever na akuin nya ung bata, papayag ba ko kung hanggang sa bata na lang? Gusto kong ipagdamot ung bata sakanya if ever. Tanggap ko na din naman ung ginawa nyang pagtalikod at di nya pag ako sa bata. Please help me. ? 7 months na ko ngayon. TIA!

58 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

If kaya mo naman na wala siya sa buhay mo, then let him go. Makakadagdag lang siya sa stress mo at makakasama lang sa health niyo ni baby. Tingin ko alam niya kasing nanjan ka lang for him alam niyang hahabul habulin mo siya dahil may kapit siya sayo. Kaya iparamdam mo sakanya na kaya mong wala siya at wala kang pake kung mawala siya. Kung magccare man siya sayo and sa baby, edi hayaan mo siya. Dapat lang naman na gawin niya yun. At karapatan talaga niyang alagaan baby niyo kaya wag mo ipagdamot sakanya. Tsaka mahirap din magisa, and dadating yung time na gusto mong mabigay lahat para sa baby mo kaya baka dadating ang time na hihingi at hihingi ka din ng tulong sakanya. Kaya kung tumulong man siya para sa baby niyo, hayaan mo siya. Wag mo pagdamutan. Lalo na pag lumabas na yan, lalambot at lalambot talaga siya. Kaya hayaan mo siya na tumulong para sa baby niyo at kahit para sa baby nalang yung relasyon niyo.

Magbasa pa