Single Mom in the Making

Tinalikuran ng bf ko ung bata nung nalaman nyang buntis ako. Di nya daw aakuin ung bata. I was 5 months pregnant that time. Pero di totally naputol ung communication namin. Kahit pinagmumumura ko sya. Minamaliit ko pagkalalake nya. Pati pagkatao nya. He was there. Pero minsan nawawala wala sya. Once 4 days, then tumawag, asking if I was doing good, ung health ko. Then one time di sya nagparamdam ng 1 week. I just let him. Tinitiis nya daw ako. Kaso di nya daw kaya. Then naging okay ulit kami. Nagkita. He showed so much love and care. Binigyan nya pa kong pera pambili daw ng gatas ko. Binili nya lahat ng food na gusto ko that day. Pero di namin napag usapan ung tungkol sa pag ako nya sa bata. Kapag tinatanong ko sya about sa status naming dalawa he became uneasy di nya masagot. Hindi nya pa daw masagot sa ngayon. And I cant stand it. Ayoko magmukhang tanga na umaasa someday na magiging okay kami. He's leaving me hanging in the middle. Tinatry ko namang iwork out ung ganong situation pero di mapakali ung utak ko e. I dont want to settle in that situation. He shows he cares, palagi nyang pinapaalala ung gatas ko. Na kumain ako ng mga gulay at prutas. Sabi nya magfocus daw muna ako sa health ko at sa bata. Pero nag aaway talaga kami pag nagtatanong na ko tungkol sa relasyon namin. Ngayon nag away na naman kami. Tinanong ko sya kung mahal nya pa ko. Ayaw nyang sagutin. Napaparanoid ako. How come na hinahayaan nya kong matulog wondering if he stilll loves me or not? Any advise on what should I do? If ever na akuin nya ung bata, papayag ba ko kung hanggang sa bata na lang? Gusto kong ipagdamot ung bata sakanya if ever. Tanggap ko na din naman ung ginawa nyang pagtalikod at di nya pag ako sa bata. Please help me. ? 7 months na ko ngayon. TIA!

58 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag kana umasa sa kanya mommy. Regarding sa baby as of now ipagdamot mo sa kanya. Wag mo na syang habulin. Patunayan mo sa kanya na di sya kawalan. Kasi Di ka dapat manghinayang sa lalaking Walang panindigan at Di alam ang totoong kahulugan ng isang ama. Lalo na kung kaya mo naman na ikaw lang. Ang daming single mom ngayon, masaya naman sila sa desisyong pinili nila. Kesa naman andyan nga yung ama ng anak mo kunsimisyon naman ang inaabot mo araw araw. Pero pag laki ni baby sana wag mong ipagdamot na malaman nya kung sino ang tatay nya. May karapatan rin sya malaman kung sino at anong klaseng tao ang tatay niya. God bless sayo mommy, as of now sana si baby ang priority mo ngayon. May God guide you always along the way. ❤️❤️❤️ Na feel kita kasi yung kapatid ko ganun ang nangyari. ngayon malaki na pamangkin ko. At masaya ang kapatid ko kahit single mom sya.

Magbasa pa