38 Replies

VIP Member

Di ako makapaniwala. 10 years ago, sinasabi ko lang na, gusto ko bago ako mag 30 gusto ko mabuntis ako. Di ko inaasahan na tutuparin ni God. Nalaman kong buntis ako last Oct. 2018 at due date ko this June and just turned 30 last May 3. 2 times akong nag PT pero negative. Pero PT padin ako ng PT kasi hindi kami nag kokontrol ng partner ko for a month of intercourse. So one morning, yung pagka gising ko talaga kasi nag wiwi ako mga 6am,nag pt ako. At ayun! Klarong klaro ang 2 red lines. Ginising ko hubby ko, at di na sya nakatulog ulit eh late afternoon na sya usually gumigising. Tapos naka harap na sya sa laptop nya the whole day, busy sa pag sesearch kung ano dapat gawin at abala sa pagbalita sa pamilya nya. That's one of the best day of my life. 😍😊

Kabado kasi nung nalaman kong buntis ako eh 2wks ko nang iniwan at di pinapansin yung dad(btw, 2yrs relationship na kami). Hahaha! Pero timely nga kasi yung night before ko malaman na buntis ako, pumunta siya bigla sa house para makipagusap etc ganun tas nagsorry kasi nabugbog niya ako. Kaya nung morning na nalaman ko, nagkaron ako ng initiative na sabihin sakanya na buntis pala ako and I just found out. Ayun, nagkabalikan kami. Nung una puro away kasi syempre ayoko na dapat sakanya and kinamumuhian ko siya pero he keeps on proving na he's a changed man na tas I've learned to love him again and now, 36wks preggy nako, excited na kami makita si baby! :)

sa first masaya kasi kasama pa kami ng fiance ko, pero nung bumalik na siya sa kanila napakalungkot na iistress ako lagi😔, 3weeks lng kami nag kasama ng fiance ko tapos nabuntis na agad ako, nov. 20 last na dumating regla ko, tpos nov. 29 dumating fiance ko, pagka dec. 19 nag pt ako, positive agad ang results.. d ko akalain na mabubuntis ako agad kasi dba ang iba ilang years pa bago mabuntis, nganying malungkot kasi whole pregnancy ko wala sya.. tpos kahit sa pag panganak ko this aug. wala dn sya. nov. pa balik nya dtu pinas😔😔

super saya po as in that time po is nung nag pT mo ako early in the morning tas nung nkita ko po na possitive sobra tuwa ko gusto ko tumalon tas umiyak ( si hubby po yung gumising ng maaga sa akin para mg pt)😄😄😄 tas pag paka pasok ka sa kwarto nmn kunwari malungkot ako tas nkita ko si hubby gusto umiyak tas ayun nga pinakita ko hala biglang tumalon tas sumayaw haha tas biglang halik sa akin haha tas ayun selfie na and now im 13weeks. and 5days po 👶👶1st baby 👨‍👩‍👧👨‍👩‍👧👨‍👩‍👧

im 30 years old and stable na. masasabi kong worry free and its really the right time for me to get pregnant. masaya ung pakramdam na hnd ko maintindhn, alam m ung dm alam kng ngingiti kaba or iiyak. nung sinabi ko sa husband ko ngumiti sha at niyakap ako. super fragile na ng tingn ko sa sarli ko at lhat ng nasa paligid ko dhl may angel na lumalaki sa chan ko. inshort super happy excited careful and all

Kabado. Masaya. Excited. Takot. Halo halo.. Unexpected pregnancy kasi. Kabado kasi di ko alam kung kaya ko na maging mommy. Masaya and excited kasi finally magkakababy na kami and super happy ako na may blessing na parating. Takot kasi hindi ko alam paano sasabihin sa family ko kasi hindi pa kami kasal that time though nasa right age naman na.

VIP Member

Super happy po kasi nag healthy living talaga kami ni hubby para makabuo. Hinala ko na din na preggy ako kasi nadelay ako ng 10days at napaka sakit ng boobs at balakang ko. My hubby is also very happy. 5months kami nagtry tas nagpahilot pa ako kaya ang saya nung nakabuo kami at gusto na din namin talaga magkababy, hubby is 29yrs old and I'm 22.

married na po kayo?

di ako makapaniwala akala ko nanaginip ako.. before ko pa Malaman na pregnant ako may instinct na ako na buntis ako Kaya nung nagkasakit ako nung di pa lumalabas ang resultbif pregnant o Hindi.. Di ako uminom ng gamut.. nung nakita ko si baby sa ultrasound fun lang ako naniniwala na buntis talga ako

nag walling ako sa cr tapos hawak ko pt sabe ko lord mommy na ko. Tapos iyak. paglabas ko ng cr inabot ko yung dalawang pt sa bf ko sabay sabe ko happy valentines day. valentines day kasi nmin nalaman. masaya na kinakabahan. although ngayon ako na lang pala lahat to at anak ko hehe

masaya at di makapaniwala na magiging nanay na ako after one year of na makasal kami. na amazed sa buhay, na amazed sa Divine Creator natin... at the same time may kaba kasi walang trabaho si husband nun so naiyak ako onti kasi maraming maririnig sa kapatid at magulang na pangaral.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles