Finally!!!
Hello team June! Ako yung nagpost nung isang araw na 39weeks na di pa nakakaraos. Kahapon nagka bloody show ako pero 1cm plng. Nagdecide yung OB ko na bigyan na ko ng pampahilab, sa kagustuhan ko na makaraos na nag go lang ako. Di sumagi sa isip ko na iinduce pala ko. Haha anyways tagal progress ko and di tlga bumababa ang baby. Sobra yung pain, di sa pagpapaka OA pero nanghina tlga ko sobra. So nagdecide ako magpa CS nlng. After 12hrs, 3cm plng inabot ko and sobrang nanghina na tlga ko and wala tulog. Habang binibiyak ako sbi ng doktor buti nlng daw umayaw na ko kasi nag start na pumupo yung baby ko. So blessing pa din kahit di nasunod yung pinagdasal kong normal delivery, at the end of the day safe si baby. Wishing all the mothers out there na makaraos na din at gabayan po kayo ng Puong Maykapal. ❤️