TOP 10 QUESTIONS THAT CAN BE ANSWERED BY COMMON SENSE

To all TAP Preggies and Mommies, In no particular order, here are the top 10 most annoying (no offense mean but it is true!) questions that can be answered by your own common sense. Please let us be considerate also in using the NSFW filter (NOT SAFE FOR WORK) not everyone wants to see sensitive photos. And also let's ask smart questions. Let's help each other out by being smart mothers. 1. Positive po ba? Picture of PT I'm pretty sure a PT comes with instructions. Please read and follow. 2. Mababa na po ba? No matter how high lying or low your tummy is the baby will come out in his/her own due time. Be aware of yourself and ask your OB about anything unusual. 3. Buntis po ba ako? nagkaron ako.. hindi ako nagkaron You knew what you were doing when you were having sex. Now, you should know what to so when you suspect that you are pregnant.🙄 Don't have sex if you're not responsible enough to educate yourself about this. 4. Lalaki po ba or babae? Photo of tummy I'm not Madam Auring. Matanda na tayo para maniwala pa sa pamahiin. You're the one pregnant do some reading why women have different symptoms and appearances during pregnancy. 5. Lalaki po ba or babae? Photo of ultrasound I'm not your OB. You want to be sure right? Why risk asking and believing non medical answers? 6. Normal po ba na may bleeding? Normal po ba na masakit puson at ___weeks Once again another medical question. Please if it's urgent ask your OB. Go to a hospital. Go to a clinic. If something worse happens and you are still waiting for replies on this app I don't know anymore. 7. May nangyari sa baby ko ilang araw na... If it were my baby, I will text my pedia right away. If di sumagot dadalin ko sa clinic mismo. It is your responsibility to have a direct contact number to your pedia. And another life is in your hands why risk waiting for answers from an app? 8. Okay lang po ba inumin yung reseta ng OB ko? Gamot/vitamins.. It is a prescription made for you by a doctor. If you're not comfortable or not sure or if medicine has uncomfortable effects, should you ask people from the app? No. Ask your OB or ask for a second opinion. 9. Binugbog ako ng partner ko, cheater ad partner ko, ayaw maniwala na siya ang ama, may addiction and partner ko, verbally abusive ang partner ko Ask for your family's help or someone close to you. Problems like these should not be broadcasted on social media unless it is your last resort and eveyone you know does not exist or can support you in ay form. And also, as a mature woman, itatanong mo pa ba kung hihiwalayan mo at binubugbog ka na? 10. Pwede po ba maligo sa gabi? Pwede po ba uminom ng malamig na tubig? At iba pang pamahiin inspired question. Ate, ikaw ang buntis. I think you should have had the initiative to ask your OB or Google man lang in medical websites kung totoo or hindi.

50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

I agree with some of the points mentioned like ALWAYS ASK YOUR OB kapag may medical questions and sana nga po iwasan na magpa-interpret ng lab results and ultrasound dahil doctor lang po ang puwedeng gumawa niyan. BUT I have to disagree with some points. 1 & 3. PREGNANCY TESTS. Yes, paulit-ulit siya pero iba-iba naman tayo ng pinanggagalingan, di po ba? I believe na most naman po ng mga nagtatanong have read the instructions, but yung context ng kung bakit sila nagtatanong ang hindi naman natin alam. For example, may second line nga pero faint naman or negative pero ang tagal na delayed or positive pero may bleeding siya. May ilan na, maybe, matagal ng nagta-try and hindi makapaniwala na nakabuo na sila. Or maybe yung iba gumamit ng protection/contraceptive so hindi rin makapaniwala kung paano sila nabuntis. If nasa mga ganoong sitwasyon ang isang babae, nakaka-confuse naman talaga. Sana wag po natin silang i-judge na hindi nila naintindihan ang instructions ng PT. Mas madali na sabihing, "Opo, positive." Kaysa, "Ano ba yan nakakailang test ka na hindi ka pa rin ba naniniwala? llang test ba gusto mo?" Always put yourselves in their shoes dahil I'm sure if ikaw din ang confused, you wouldn't want to get answers na hindi nakakatulong. 6 & 7. Dapat po talaga na kapag may kakaibang nararamdaman, mas lalo na kung may blood na discharge e ikonsulta na sa doctor. Pati na rin ang questions kung dadalhin ba sa pedia, the answer should always be YES kung may sakit ang bata. But let us not assume na may number sila ng OB or pedia dahil hindi lahat ng doctors nagbibigay ng number nila. Yung iba number lang ng secretary or yung iba kahit may number ka na ng duktor hindi naman sumasagot. Ang daling sabihin na pumunta ka ng doctor! But we are already assuming na sa city sila nakatira na may ready na sasakyan. What if far-flung area na walang public transpo? Hindi po lahat taga Manila ang mga nasa app. We have users from Visayas and Mindanao also. And kahit na nasa Manila, only 11% ng population sa Maynila ang may private vehicle. Yung mga nagtatanong naman gusto lang nilang malaman if sobrang urgent ba na kailangan na nila pumunta now na or if may time pa sila to make arrangements or maybe find a doctor. Again, mas madali namang sabihin na, "Dalihin niyo na po sa ER," kaysa "Hihintayin mo pa ba na mamatay ang anak mo bago mo dalihin sa ospital. Anong klase kang magulang!" 9. Dito ako strongly disagree. This app was created to be a safe space for parents mas lalo na sa mga ganito. If you've ever met a victim of domestic violence, sasabihin niyan sa iyo na hindi nila ito ma-open up sa pamilya nila. They would rather open up sa strangers dahil for them nakakahiya yung situation, yung iba naglalaban pa sa kanila ang desisyon to have a complete family or magkaroon ng broken family. Again, hindi natin alam ang backstory. Let us not be quick to judge. Offer a sound advice dahil karamihan naman sa kanila alam ang tamang sagot, they just have the resolve to go through with kung ano man ang tamang gawin. Maybe wala silang confidence na they can make it on their own. 10. PAMAHIIN. Hindi ako naniniwala sa mga ganyan. But I always think na for sure yung mommy/daddy may doubt naman kung totoo ang pamahiin, kaya nga sila nagtatanong diba? But again, hindi naman natin alam ang sitwasyon nila. What if nakatira sila sa bahay ng magulang and pinagbabawalan sila to do certain things dahil yun ang ini-impose na belief sa kanila? Like yang sinasabi niyo na naliligo sa gabi. Like paano diba? Patago sila maliligo? Hehehe I guess my point is hindi nila kailangan ng judgment natin. Answers ang kailangan nila. If you know the answer, sagutin mo and on to the next. If naiinis ka na sa question, skip and sumagot ka na lang ng poll. Change in perspective po siguro ang kailangan natin and an understanding na hindi tayo pare-pareho ng background at pinagdaraanan. Magtulungan tayo para masiguro na mapalaki nang tama ang mga anak natin. Ang haba na nito pero yun lang po :)

Magbasa pa