37weeks and 3 days pregnant here

Tanung kolang po, panu malalaman kung in labor kana?. May mga nag lalabor ba na hindi nakaka experience ng pananakit o contraction? How would I know kung time na pumonta ng hospital?

37weeks and 3 days pregnant here
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Lahat po ng naglilabor may sakit na mararamdaman. Maliban na lang kong hindi mo masyadong mafifeel or hindi ka masyadong nasasaktan sa una tapos nasaktan ka na nung active labor na. Kapag pumutok na panubigan mo or may lumabas ng dugo punta ka na sa hospital. Pero depende sa hospital kung ia-admit ka na. Pag private nakadepende sayo kung gusto mo na magpa-admit kung public minsan pauuwiin pa nila kung tingin nilang di ka pa manganganak. Sa labor naman, 1 minute ang tagal ng contraction, tapos magsisimula sa 30 mins interval, yung interval na yun paikli ng paikli yun hanggang sa magiging 5 mins. At pasakit din ng pasakit. Kapag ganon 5 mins interval 1 min contractions happening for 1 hour, active labor ka na, manganganak ka na.

Magbasa pa
2y ago

Kapag sumakit ang tiyan mo tapos nawawala kapag ipinahinga or itinulog etc, hindi pa yun labor. Ang labor, once sumakit, tuloy-tuloy na yun di na yun mawawala or hihinto.