40 Replies

much better lagyan mo sya ng powder yung j&j rice powder. and i recommend po use Lampein Diaper instead of EQ dry. 3 months old na baby ko and so far, di sya nagkarashes sa diaper nya kahit napupunuan ng poop or pee for ilang minutes or hours

try nyo po petrollium jelly pag ayw po try nyo callamine... pero mas maganda po palit ka brand ng diaper and consult n din po ng pedia... mahihirapan po ksi si baby ksi mainit yan pra s kanya nakaka irritate din po yan s mga baby.

Palitan nyo po diaper ni baby, possible diaper ang dahilan ng rashes ni baby. Try mo rin yung drapolene cream or hovicor (hydrocortisome) po yan po ginagamit ko sa baby ko yan din po bigay ng pedia niya.

nag ganyan yun LO ko so ang ginawa ko is nilagyan ko ng petroloum jelly before ko lagyan ng diaper para di rin mahapdi sa kanila then wag po hayaan na hintayin mapuno yung diaper ni baby bago palitan

ang ginagawa ko lang po sa 6th month ko before na ganyan din is binabanwasan ko lang po ng tubig yong pwet nya para di lalong pumula tas nilalagyan ng michael na pulbo hanggang sa nawala

Baka po di nio tinutuyo pwet ni baby pag sinusuotan ulit ng diaper? Sakin po tinutuyo ko muna using dry wipes ehh. Btw I used rash nappy cream ni tiny buds effective po kay baby.

Mustela diaper rash cream sis. Yan gamit ko sa baby ko since birth. Naglalagay ako kada change ng diaper nya 2 months na sya never namula pwet nya iba ibang diaper pa gamit nya.

Lagyan mo lang yan ng Petroleum jelly na BabyFlo, nagkakarasher din baby ko sa diaper pag nababad sa popo nya, petroleum lang pinapahid ko. mabilis lang mawala

try nio oo drapolene yun kase gamit ko kay baby effective sa singit singit at pwet na namumula i apply lng pagkatapos maligo ni baby or pag ngpalot ng diaper

Try bepanthen po yan po kasi ginagamit ko sa baby ko and 1 week ko ho syang hindi pinasuot ng diaper para mas mag heal talaga ng maayos ang skin ni baby.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles