Employed to Separated Sss di pa nakukuha
May tanong lang po ako, nagpasa na po ako ng Mat1 ko nung Dec 2019 pa bago due date ko sa employer ko. Nag lockdown by march 2020 at never ko man lang nakuha ang cash advance sa maternity ko. Nanganak ako June 2020 Since di kami kasal ng bf ko, mejo nadelay ang pagpasa ko ng mat2 req kasi hinintay ko pa siya makabalik sa manila at naglockdown noon. Naasikaso kong ipasa by Jan 2021 sa empolyer Feb 2021 naidrop box na after ko mangulit papirmahin ang boss First week ng March 2021 nag decide nako mag resign talaga at mahirap maghanap ng yaya. Nasabi nila na sana mag render daw ako at after 1 week irerrlease na nila yung half ng matben ko para okay sa part ko na magrender. Sa part ko naman di nako magrerender at gawa nga na may pandemiya at magpupublic tanspo pako at may baby pakong inuuwian para lang magrender. Siguro naman reasonable yung resignation ko at wag na mag render diba? Since tinanggap naman resignation ko. Ngayong March nagupdate ako sa Sss ibabalik nila form ko sa employer at need talaga nila mag comply sa pag advance ng matben ko April 15 nagsabi secretary na irerelease na daw. Ngayon ang problema, nasa Sss pa ata ang form ko at tinatamad kunin ng secretary ng boss ko ang form ko doon, ewan ko ba kung alibi lng nila yon para pahabain ang paghihintay ko. Ano po ba next na pwedeng gawin? Gusto ko na talaga magreklamo eh. π Pwede naba ako kumuha ng Affidavit of Undertaking kahit kareresign ko palang nung first week ng March? Parang wala na po sila balak abonohan yung advancement ko eh. Or magrequest nalang ng L501 at cert of separation at non cash advancement? (matatagalan ba process dito?) Thankyou po.