Miscarriage
Tanong lang mga mommies. 2 weeks late period. No cravings. May 2 - Sumakit puson ko and spotting palang. Kinabukasan May 3 heavy period nagising ako sa ingay sa labas namin then biglang umakyat yung pain ng puson ko. As in di ako makatayo at gusto ko lang humiga para hawakan yung masakit kong puson. Pinagpapawisan ako sa sakit at nanghhina. Kumbaga yung sakit is 10 out of 10. Pagdating ng hapon, nakaramdam ako ng bulwak kaya napacr ako kasi naiihi rin ako pagupo ko ng bowl may nahulog galing saking pwerta may lumabas na blood cloth at may parang meat na nakabalot sa dugo ko. Hindi ako nagpt kasi iniisip ko baka hormonal imbalance lang. Nakaraang buwan kasi 8-10 days ako lagi delayed pero nitong march 5 days early naman ako. Hindi rin ako nagkaroon nung april. Hindi ko rin kasi sure pero nakunan po ba ako? Salamat po sa sasagot.