3 Replies

VIP Member

Baka nahihirapan na syang gumalaw sa loob Kasi medyo malaki na sya, Sabi Kasi ng ob ko dati may mga case na pag lumalaki na si baby medyo di na sya magalaw sa loob dahil Wala ng space dahil na-occupy nya na. May mga movements pa rin naman pero Hindi na katulad dati na sobrang galaw , mas nakakabahala Kong Wala ka na talagang nararamdaman dahil I'm sure may Mali na tlaga sa loob.

malaki napo ba yung 24 weeks mamy, kasi 24 weeks pa ako ngayon. pero ngayong hapon lang after ko uminom ng iced milo,gumalaw galaw na cya until now. pero sa may pelvic bone ko na po nung ibang mga araw kasi ang sipa nya is sa kanan yung baba ng right breast ko minsan sa may pusod umaalsa nga yung tyan ko nun pero ngayon para g pailalim yung mga galaw nya, di na umaalsa tyan ko pero pagka galaw nya is parang nag fa flutter na my gas sa ilalim

VIP Member

Si baby ko din madalang gumalaw. Lagi syang tulog lang. Lagi tuloy ako napapraning nun na bka kung ano nangyayari sa kanya. Advise ni OB pag di ko na matiis, uminom ng malamig at matamis(ok ang sugar level ko) para gumalaw sya. Madalas gumagalaw sya. Pag hindi gumalaw nagpapadoppler na ko. Hehe. Pero mukang nkkapraning lang talaga. Ok nman si baby, tulog is life lang talaga sya.

Oo nga sis kanina kasi naiinitan ako kaya nagtimpla ako ng milo na may mataming ice, pagkatapos nun panay ng galaw nya pero sa may lower left na ng tagilira ko, noon kasi yung galaw nya nasa right tsaka minsan natatamaan tlaga yung ribcage ko nun sa likot nya, nung isang araw, kahapon at kanina madalang talaga yung galaw nya kaya nag alala ako. naibenta ko pa nmn na yu g doppler ko pag tungtong ng 5 months ko kasi kala ko no need na kasi na fifeel ko na movements nya noon eh. nkakapraning nga ngayon,sana di ko nlang binenta yun kung alam ko lang hehe.

VIP Member

Malaki na po yan nasa last part na Kayo NG 2nd trimester.. 😊 Ang about dun sa pagbabago nung part NG movements nya gawa yun ng pagrotate nya sa loob.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles