Bilateral pneumonia

Tanong ko lang po sana pinaxray anak ko and result is may bilateral pneumonia binigyan ng antibiotic for 1 week then observe daw ngayon po nawala nman ubo nya After ng pasko hanggang ngayong inuubo na nman po sya.. Di na po kasj namin sya uli nabalik gawa po ng kakulangan financial no to bash po sana walang ina na gugustuhin mahirapan ang anak.. Di po kasi sya gumagaling din sa gamot na binibigay sa center.. Sa pinapacheck up-an nmin ok lang sana kasi 100 lang kaso ung reseta sa knya inaabot ng libo.. Di na po kaya yung ganun kaya di na po uli namin nabalik.. Tanong ko lang po sana pag ibabalik kaya namin sya center .. Un na po ba yung maggagamutan ng 6 months o depende pa po.?? Bukas kasi papacheck up nmin sya center. Di rin po kasi ako agad makaalis gawa ng mag 4months old breastfeed bawal naman bata sa labas.. #advicepls

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

depends momsh sa makikita Yung 6mos yta n sinasabi mo ay primary complex (tb sa Bata) I suggest sa govt. hospital n pambata n lng kayo pumunta. wla pong bayad check up kailngn lng maaga kayo pupunta. . Yung gamot ng bata bka branded. go for generics sis. same lng nmn yun.. lagi niyo Po itatanong "may generic lang Po b ng ganito?" mas mura sila Ng kalahati or higit pa.

Magbasa pa
4y ago

galing kaming center kanina sis pjnakita nmin yung xray at nireseta sa knya sabi balik daw namin dun sa pinacheck up-an namin kasi magagandang gamot na daw un kso di pa tumalab kasi kung generic daw di rin daw tatalab. nakakatakot kasi sa hospital sis kasi pag ganung case covid agad ang inaano nila

Related Articles