Dumadaming butlig

Tanong ko lang po sana kung sino dito ang may same case ko. Nag umpisa akong magkaron ng butlig sa likod hanggang sa dumami papuntang balikat, batok, leeg, dibdib, hita at ngayon ay sa mukha na. Ngayon lang po ako nagkaganito. Ang advise sakin ng OB ay magpa check up ako sa dermatologist kaso ay iniisip ko naman yung gastos. Baka po may maipayo kayo sakin. Maraming salamat po.

Dumadaming butlig
68 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako rin momsh may pailan-ilang pimples kung saan-saan sumusulpot -- sa tiyan, sa baywang, sa hips, likod, balikat.. buti wala sa mukha!!! (Pwera usog 😁) Medyo masakit sila pag bagong tubo, 'yung parang may laman sa loob kapag tiniris. Pero hindi ko sila tinitiris, momsh. Hinahayaan ko lang, kasi nga feeling ko hormonal changes lang ito. Almost 7 months pregnant here. Akala ko ako lang nakakaranas nito, hindi pala! Makati ba sila momsh? Masakit?

Magbasa pa

Sa pgbubuntis po yn sis..mawawala dn yn..gnyn dn po skin nun s first baby ko..ang dmi ko png pimples s likod..taz nwala dn after ko manganak..s 2nd baby ko nmn po..ang dmi kong kati kati s legs..prng buni n xa..then after ko po mnganak nwala rn..taz s 3rd baby ko gnun ulit..mdming kti kati..taz butlig butlig n tmubo..pro nwala rn nmn po..toxin po kc yn nrerelease ng ktwan ntn..dhil s hormonal changes..pg buntis po..

Magbasa pa

Nagkaganyan din po ako. Yung butlig na sobrang kati. Pero sabi hindi daw po sya aakyat sa ibabaw ng breast. Yung sakin po sa ilalim ng breast, arms, balakang, and tyan lang po. Niresetahan po ako ng OB ng hydrocortisone. Ointment po pampawala ng kati. Nawala din naman po after 2 weeks. Sabunin mo lang po ng safeguard white para magtuyo.

Magbasa pa
5y ago

Same din po ako sa likod buti nga di masyado dumami sa likod lang tapos nag kaka peklat sya

Momsh may mga dermatologist sa mga public hospital walang bayad ung consultation. Ask mo lang anung gamot pwde mo ipahid na safe sa mga buntis. Hndi mo kailangan tiisin yan hanggang sa manganak ka. Lumang paniniwala na po yun. It also helps if you feel good about yourself for as long as hndi naco-compromise ung safety ni baby. 😊

Magbasa pa
5y ago

Yes momsh. I feel you. Hehe. Basta safe ung mga skin regimen/ products na gagamitin mo for your baby, that's fine. Always consult with your OB. Although normal naman tlaga na may mga changes due to hormones na dala ng pagbubuntis, there's always a way for you to love this journey to motherhood without losing your self-esteem. God bless po. 😘

PUPP rashes po, i think ang tawag dyan mommy. Meron din ako ganyan. Sa balikat, tummy and sa likod ko. Sabi po ni OB, normal lang. Ligo lang madalas para di makati. And mawawala lang after manganak. Sa kin, pinabayaan ko nalang. Gamit ko po now is, sulfur soap. (Dr. wong) okay naman sakin 😊

Yaan mo nlang mawawala rin yan,sa akin nga cmula nabuntis ako may parng kolete ako akala ko tlga kolete lang,kc masakit sya eh,tapos hinyaan ko lang,ang tagal n neto,hanggang sa nakunan ako,tapos anjan prin,nabuntis ulit ako after 2months ,,andto prin ,,,sabi nla mawala lang daw yan .

Tanong ko lang Po, Ako na Wala pang Asawa at Hindi naman Po buntis nag kaka butlig butlig Po Ako nag try na Po Ako Ng mga sabon pero Wala naman pong effect Natutuyo Siya pero Meron na namang panibagong butlig . Sana masagot niyo Po ito sa nakaka alam lang Po, ty !

VIP Member

Ganyan na ganyan sa akin mommy hahaha nakakatawa lang na nung d pa ako nagbuntis ang kinis ng leeg at batok ngayon andami ng ganyan wala ako ginagamit na pampatanggal hinahayaan ko lang saka na ako mag aayos after manganak hehehe

Nung 12weeks po ako Nagkaroon dn po ako nyan sa likod dibdib at tyan, pero nwala sya nung nagpalit ako ng sabon safeguard. And hanggang ngaun po safeguard nlng gingmit ko, thanks God kc dina bumalik kc makati sya na mahapdi.

VIP Member

Nagkaganyan din ako mam, sa May likod at balikat ko 2-3 months pero wala na ngayon. Due to hormones yan mam kaya nagkakaroon tayo. Hayaan mo lang and just use mild soap para hindi lalong mairitate at dumami.