Random Talk

Tanong ko lang po, kasal kasi kami ng asawa ko then may baby kami sa kanya din nakaapelyedo, pag ba naghiwalay kami sakin pa din ba mappunta yung baby kahit side nila yung sumusuporta sa bata? Please enlighten me.

43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Actully kapag wala pa sa tamang edad lagi pa sa nanay, pero dahil sinusustentuhan kamo nga may karapatan po siyang hiramin pero ibigay moang po yung oras or kung gusto niyo naman po pumasyal.nalang yung tatay sa bahay para sa bata huwag niyo po ipadala saknya na kunwari ipapasyal baka di napo ibalik .

Magbasa pa

Basta 7yrs. pababa, sayo talaga mapupunta yan kahit anong mangyari maliban lang kung di mo talaga kayang buhayin yung bata at may bisyo, mapanakit at masakit ka sa pag iisip pero kung di naman, sayo yan talaga mapupunta at obligasyon nilang magsustento kaya kahit nagbibigay sila sayo pa rin anak mo.

VIP Member

Sa mother ma pupunta ang custody ng bata if below 7 years old, pero dpende din kung may kakayanan ang nanay buhayin ang anak pwede kasi makuha sayo un kung wala ka trabaho at d mo kaya suportahan. Kapag edad 7 years old pa taas pwede po bata na mag dedecide kung saang side sya sasama.

Mas maganda may kasulatan kayo sa barangay para pag hindi sya nagbigay ng sustento, kulong yan kung ipapakulong mo. At kung ayaw man ibigay yung bata sayo kapag nahiram nya, kulong talaga. Mas maganda may kasulatan kung di na talaga kayo magkakabalikan.

Basta po below 7yrs old ang bata sa mommy po sya wla po sila magagawa dun, pag 7yrs old na po ang bata pwede na sya tanungin kung san nya gustong sumama at ubligasyon ng tatay na sustentuhan sya pwede nyo po sya kasuhan pag hnd sya nagbibigay...

VIP Member

Opo sayo parin mamsh basta below 7 ang bata sa pangangalaga ng nanay mapupunta.. Unless may ikakaso sya sayo at mapapatunayan sa korte na ginawa mo nga na pde makasama sa anak ninyo don maari na makuha yon tatay.

VIP Member

Opo dapat sa nanay talaga ang bata and dapat suportahan nang tatay kahit di kasal Kahit di pinapakita sknya susuportahan padin dapat pero pag 7yrs old papapiliin ang bata kung knino sasama kase may isip na

1 to 7 years old ang baby sa puder ng nanay and 7 and up pwede magdesisyon ang bata kung kanino sasama at syempre kay mother yun kasi siya nakasanayan kasama. Don't worry sis, panig saten ang batas.

.yes po basta 7 years old pababa palang si baby nasa family code po yan at ung sustento ng bata nd dapat titigil ung sahod nya ididivide kung ilan ung anak nya at sya na susuportahan nung father.

VIP Member

Yes po.. Pero Kung 7 na si bagets.. at ilalaban nung lalaki SA korte na Wala Kang kakayahang buhayin si bagets, may possibility na mkuha nya,lalo na pag pinili sya nung Bata..