Hilot sa buntis

Hi ? Tanong ko lang kung maganda ba mag pahilot ang buntis ? Ano po bang magandang benefits makukuha dun ? Kung ako po kasi ang tatanungin ayoko po talaga mag pahilot ng tyan ko, dahil di naman daw po ito recommended ng mga doctor pero pinipilit ng nanay ko, kesyo iaangat daw kasi tyan ko pag 5 months na ko .. May history po ako ng Miscarriage, at dahil po Yun sa UTI ko ( with records, at complete po ako ng check up at ultrasounds ), pero sinisisi sa'kin ng mother ko dahil daw kasi hindi ako nag pahilot noon kaya mababa daw matres ko . Nag away na po kami dahil dito noon, Please advice po .#advicepls

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Not sure sa benefits nun. Nagpahilot na ko dati, sinubukan ko lang kasi tinanong ako ng mama ko kung okay sakin yun, pero di pa naman ako buntis nun. Itataas lang daw ang matres para mabilis mabuntis pero hindi rin naman yun yung dahilan na nabuntis ako tsaka maayos yung ultrasound ko nun (nagpa-ultrasound ako kahit di pa buntis para malaman kung may concern sakin). Sa hilot kinakapa lang nila e tsaka madiin din kaya nakaka-worry pag buntis na. Siguro sa iba okay lang kasi expert naman daw at hindi maselan ang pagbubuntis nila pero paano pag maselan... baka it can do more harm pa than good.

Magbasa pa