Hilot sa buntis

Hi ? Tanong ko lang kung maganda ba mag pahilot ang buntis ? Ano po bang magandang benefits makukuha dun ? Kung ako po kasi ang tatanungin ayoko po talaga mag pahilot ng tyan ko, dahil di naman daw po ito recommended ng mga doctor pero pinipilit ng nanay ko, kesyo iaangat daw kasi tyan ko pag 5 months na ko .. May history po ako ng Miscarriage, at dahil po Yun sa UTI ko ( with records, at complete po ako ng check up at ultrasounds ), pero sinisisi sa'kin ng mother ko dahil daw kasi hindi ako nag pahilot noon kaya mababa daw matres ko . Nag away na po kami dahil dito noon, Please advice po .#advicepls

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Huwag ka Po magpapahilot Mamshh Kasi Maselan Ang dinadala mo, pag pinahilot mo kase e didiin Yung tyan mo pwede Yung maging cause ng Miscarriage

7 months po ang nagpapahilot mams. Wala naman masama kung maniniwala. Kasi yung mga kilala kong buntis nagpapahilot talaga sila

for me po hindi sya safe lalo na po kung maselan kayo. ako rin po maselan magbuntis kaya hindi inaadvise ni ob ang hilot

VIP Member

marami napo Ang nakunan sa hilot pa... as per ob. kaya di na Rin Ako nagpahilot.. due date na next month

VIP Member

Momy ako po 7months na nagpahilot.. yun sabi ng nanay at lola ko.. 2nd baby ko na ngayon

VIP Member

sabihin mo po sa mama nyo nagpacheck up kayo tapos sabi ng doctor bawal magpahilot

3y ago

Hinde naman nanay mo ung buntis ikaw naman. Sa doctor ka lang maniniwala.

Pwedi po mag pahilot pero mga 6 or 7 months na tyan mo

katawan mo yan, ikaw dapat nasusunod.