Please respect

Tama po ba ang ginagawa sa amin ng asawa ko ng mother in law ko? Kami na ang gumagastos sa bahay which is normal dahil nandito kami sa bahay ng mother in law ko kaya I understand the fact. Ako ang tipo na asawa na, ang pera ko ay pera ko at ang pera ng asawa ko ay pera niya pero sa akin niya pa rin I binibigay. Thankful ako dahil kahit pandemic ngayon ay may na kakain kami ng pamilya ko at may trabaho ang asawa ko pero let's get to the point. Tama ba? Na kapag sumasahod ang asawa ko kailangan malaman ng mother in law ko kung magkano ang sahod ng asawa ko? Kung anong I binibili namin sa pera? Kung anong binibili ko sa anak ko? Kung anong binibili ko? Tama rin po bang, pag dabugan kami dahil sa hindi lang kami nakapag bigay ng pera? Tama ho bang umutang siya sa ibang tao pero sinabi na kami ang mag babayad? Tama ho bang ikkwento nya sa kapitbahay lahat ng nangyayari sa bahay? Pakilinawan naman po ako. Dahil ako po ay mabait na asawa dahil kung sa iba po yan nangyari baka ni piso hindi sila makahingi. Ako/kami ang gumagastos sa lahat pati sa pangangailangan ng anak niya na parang anak nanga namin yun e. Pang ulam, kami. Sa bigas, kami. Tubig at kuryente kami. Pero ang sahod lang ng asawa ko 5k. 3k sa budget ng anak ko at 1k sa baon ng asawa ko for 2weeks minsan pinag ka kasya nya lang hanggang mag 15 tapos 1k para dito s a bahay tapos pag dadabugan ka or magagalit sayo kapag hindi ka nakapag bigay ng pera or di umabot sa expectations nila. Online seller lang po ako as of now paunti uniting kita nakakabuhay narin ng pamilya. Sa ngayon, paubos na ang natitirang budget namin ng asawa ko dahil sa mga bayarin na hindi namin alam at awabg awa na ako sa asawa ko na minsan halos hindi nanga kumain dahil hindi manlang malutuan ng pag kain dahil di manlang makapag stock sa ref. Siguro kung di kami mag bibigay wala kaming makakain ng anak ko. Although may pera naman sila dahil nag susugal sila. May gana pa po nila kaming sisihin kapag may nawawalang pera? Kapag nag eexplain ka naman, halos di mo mapaliwanag yung muka nila parang pinaplastik ka. Ang akin lang po, diskarte kami ng diskarte ng asawa ko ng pera tapos yung ibang tao puro pa sarap lang. Aalis na po kami dito within this week at pinababalik na rin po ako ng parents ko sa amin. At sinabi nila na kapag uuwi kami sa amin isa a ko na raw ang asawa ko, parang pakiramdam ko wala kaming nagawa ng tama dito s bahay par a palayasin nila ang asawa ko ng ganun. Ang sama sama na talaga ng loob ko. Akala nila ang dami daming pera pero sila di manlang makadiskarte 😢

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Virtual hugs momshie. Para po sa akin mali po yung ginagawa sa inyo. Alam naman ng in law mo kung magkano sinasahod ng asawa mo so dapat di sila magexpect. Subukan mo kaya kausapin ung hubby mo. Magasawa na kayo so dapat priority nya kayong magina at ang future ng anak nyo. At sa sinabi nyo po ay nakakaya nyo naman ung pagbabudget so try nyo na din siguro bumukod. Mas mainam un. Wag mo na isipin ang sasabihin nila dahil kahit naman nandyan kayo may sinasabi pa rin naman sila.

Magbasa pa
VIP Member

Momshie labas na siya kung magkano sahod ni mister mo. Wala na din siya dun kung saan niyo ginastos ang pera kahit pa nakatira kayo sa puder nila. Masyado namang pakielamera ang biyenan mo. Yes kailangan niyo tumulong at magbigay pa rin kasi dun kayo nakatira sa kanila pero hindi pa dapat na siraan kayo sa kapitbahay niyo.

Magbasa pa