Bulag na Pagmamahal

Tama pa ba? Na mahalin ko asawa ko at patawarin ? Lagi siya umiinom madalas niya ginagawa yung hindi kami inuuwian natutulog siya sa ibang bahay at nakakatulog siya nang mahimbing sa mga tropa niya at katrabaho niya halos ako mamuti na mata ko kakahintay alam niya bagong panganak ako at wala nagaasikaso sakin hindi man lang niya kami inalala ,noong buntis pa ako nahuli ko ka txt niya katrabaho niya naglalandian sila tapos iniistalk niya ex niya na kapag lasing siya sobrang sakit sakin kasi wala pang isang buwan na kasal kami nun parang sising sisi na siya sakin. One time sinundo ko siya sa kainuman niya sabi ko tara na tulog na tayo lasing siya nun hindi kasi ako makatulog pag wala pa siya sa tabi ko parang ang lungkot ng gabi ko halos di ako makatulog sa kakaisip sa kanya tapos ayaw niya ako papasukin sa bahay nila at ang sama ng tingin niya tas sinampal ko siya kasi ayaw niya magpapasok eh umuulan tapos yung matutulog na kami karga ko yung bata at nagpapadede ako SINASABI NIYA NA KADIRI AKO TAS MAY ACTING PA NA PAGSUSUKA TAPOS ANG SAMA NG TINGIN NIYA SAKIN SINAMPAL KO SIYA TAPOS ANG YABANG PA NIYA SIGE SAMPALIN MO THEN SINAMPAL KO SIYA ULIT TAS SABI NIYA ISA PA SINAMAPAL KO SIYA SA GIGIL KASI NAPUNO NA AKO TAPOS BIGLA NIYA AKO SINAMPAL DIN NA TATLO ANG LAKAS HABANG KARGA KO SI BBY NATAMAAN SI BBY TAPOS SINALAG KO YUNG LIKOD KO WAG LANG MATAMAAN SI BBY NAMILIPIT AKO SA SAKIT YUNG PAGKA HAMPAS NIYA PARA NABALIAN AKO SA LIKOD ,SINAKAL NIYA AKO SINAKAL NIYA NA PARANG MANOK HANGGANG NGAYON BAKAT YUNG KUKO NIYA SA LEEG KO ,AYAW PA NIYA MAGPAAWAT SA PAPA AT MAMA NIYA HALOS UMIIYAK MAMA NIYA SINUSUGOD NIYA AT AYAW MAGPAAWAT SINASABI NIYA NA PAPATAYIN NIYA AKO ,SABI NANG PAPA NIYA GANUN TALAGA SIYA WALANG KONTROL PAG MAY ALAK SABI KO KATARANTADUHAN YUN ALAM NIYA KUNG ANO GINAGAWA NIYA PAPA KO NUN MANGINGINOM PERO SI MAMA PARIN INUUWIAN AT HINDI NIYA SINAKTAN SI MAMA KAHIT MABUNGANGA SI MAMA, AKO HINDI AKO MABUNGANGA NA TAO MADALAS KO SIYA PINAGBIBIGYAN PERO PARANG WALA TALAGA SIYA NA PAMILYA NA INIISIP ,MASAYA LANG AKO KAPAG KASAMA KO SIYA KASO MASAYA SIYA SA KATRABAHO NIYA AT KAINUMAN NIYA,TAPOS HINDI SIYA NAGSORRY NUNG GABI NA YUN HANGGANG KINABUKASAN NATULOG AKO MAY SAMA NG LOOB WALA PA AKO ALMUSAL NUNG PAGKAGISING KO SABI NIYA SINUNGALING AKO AYAW PA NIYA MAGSORRY BUTI NA LANG DUMATING MAMA KO AT ATE PARA SUNDUIN KAYA NAKAUWI NA AKO SA BAHAY NAMIN HINDI NIYA AKO HINABOL NEVER NIYA AKO HINABOL PARANG AKO PA YUNG NAGHAHABOL SAMIN SINABI NIYA DIN NUNG GABI NA YUN NA HINDI AKO KAWALAN AT HINDING HINDI NIYA AKO HAHABULIN,BUKOD PO KAMI MAY APARTMENT KAMI SA BAHAY NAMIN AT DUN AKO NAKATIRA SA APARTMENT NG MAGULANG KO BUTI NA LANG MAY MAGULANG AKO .MATAPANG SIYA PAG NASA BAHAY NILA SIYA NAGAGAWA NIYA GUSTO NIYA. TAPOS NUNG NAKAUWI NA KO SA BAHAY NAMIN NAGSOSORRY SIYA SA CHAT TAPOS PINOPOST NIYA YUNG MGA PIC NANG BABY NAMIN SOBRANG SAKIT KUNG MAGIGING BROKEN FAMILY KAMI HINDI BROKEN FAMILY MGA PAMILYA NAMIN, HINDI KO NA ALAM GAGAWIN KO DAPAT KO PA SIYA PA BA PATAWARIN ? #ElleStory

226 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa iba iba siguro iaadviced nila na ituloy patawarin or what. Pero tulad po ng sinasabi ng karamihan. Aanhin mo ang buong pamilya kung di naman kayo ok. Ssbhin nila kakaawa ang bata pero diba po mas nakakaawa ang mga anak nyu kung kalalakihan nila na nakikitang ganun ang sitwasyon nyu. Ang hirap lang din ng ganyan ate mas masarap mabuhay ng panatag ang loob mo ung bang ramdam mong may saya may sigla ang pagsasama nyu. Ako po maaga ako nagkababy nagsama naman kami ng tatay ng anak ko sa una naging problema ko lang saknya seloso sobra kaya lagi kaming nagaaway nagtiis ako hanggang kaya ko pero nung 1time nasaktan nya di nako nagdalwang isip na tapusin ng lahat samin. At kinaya ko mag isa. Thankful naman ako ok na ko ngayon :) happy with my new partner :) pray lang un po wag nyu kakalimutan guidance ni lord πŸ˜‡

Magbasa pa

walang kwentang lalaki yan asawa ko hindi ko napagbuhatan ng kamay , tsaka pag nagsorry nageeffort talaga sa personal kahit in the first place ako may kasalanan siya pa magsosorry, tsaka tangina yung asawa ko pag uminom siya sa labas kahit lasing na lasing siya nakakauwi siya ng bahay kasi alam niya naghihintay ako, tangina momsh hindi ka mahal niyan, sa kakupalan ng asawa mo hindi niya deserve patawarin nuh leche siya. ako sabi ko sa asawa ko pag sinaktan moko mas gugustuhin ko maging broken family tayo kesa sa buo, kasi ako never ako napagbuhatan ng kamay ng papa ko tapos ikaw pagbubuhatan mo lang ako ng kamay sabi ko pa pag nangyari yun ipapakulong talaga kita, kung talagang mahal ka niyan at nirerespeto niya kayo ng anak mo, may takot siya dapat sayo, kagigil yang lalaki na yan , wag mona yan patawarin

Magbasa pa

kung ako nasa kalagayan mo po.. patawarin ko sya kung makikita kong nagsisisi sya sa pananakit sayo.. pero di ibig sabihin nun,makikipag balikan pa ako, hindi sapat na rason yung ("dahil nakainum") sabihin na po natin wala syang control or kung alam nya talaga ganun ang nangyayari sa kanya pag naka inum sya, then dapat tumigil na sya sa pag inum hindi ba?! bat umiinum pa sya? sa totoo lang po,nakakawalang respeto yung mga lalaking kayang saktan ang mga babae,yun pa kayang sampalin ka pa ng ilang beses?? damay pa yung baby nyo.. iresponsable pa,kasi kung bagong panganak ka lang po,bat nagagawa nya pa mainum kasama mga barkada?na dapat sa ganyang panahon nakatuon atensyon nya sa inyong mag ina?! naku mommy, napapahaba na litanya ko ditoπŸ˜… eto po eh, opinyon ko sa nangyari.. pag isipan pong mabuti 😁

Magbasa pa

BIG NO! Hihintayin mo pa ba na mapatay ka niyan pati baby mo? Napakalinaw na ng sagot mommy. Hindi ka mahal and hindi ka nirerespeto ng lalaki na yan. Kung pwede nga magparestraining order ka sakanya at ipablotter mo yan eh. Mahirap na baguhin mga ganyang klaseng lalaki. Please lang mommy, you have your parents. You'll get through this and di mo kailangan yung ganyang lalaki sa buhay mo. Trust me, makakahanap ka ng lalaki na mamahalin at rerespetuhin ka ng higit pa sa hinahangad mo. Mahalin mo naman yunh sarili mo. Kawawa anak mo if ganyang ama ang kalalakihan, mas broken pa sa broken ang dating non sakanya. Self love goes a long way, mommy. Pray hard and ask for His guidance and protection. Be strong! Wag padadaan sa awa awa effect. Praying for you and your baby. πŸ™β€

Magbasa pa

You don't deserve to be treated that way. Hiwalayan mo na yan mommy. Aanhin mo naman ang buong pamilya kung ganyan ang pagsasama nyo sa tuwing malalasing sya? Isipin nyo na lang po anak nyo in the future kung sya parin kasama nyo. He needs to grow up and change, pero nasa sakanya yan, di kelangan pagsabihan. Ano ba kasi problema nya at parang may galit sya sayo na gustong gusto ka nya saktan? Pag nakainom e, parang nasaniban, di alam ginagawa. Delikado yan mommy. Isipin mo sarili mo and baby mo. No one deserves to live in a "family" like that, mahal mo nga, di ka naman tinatrato ng tama. Ignore mo yung mga chat nya, di yan sincere. Wag maniwala sa ganyang moves. Kung pwede nga lang report nyo sya sa police sa pananakit sayo. 😬

Magbasa pa

Wag mo na balikan, buhayin mo yung anak mo mag-isa kasama yung family mo. Kasi dyan mas lalong naiipit ang anak eh, yung sa sobrang ayaw ng parents sa idea ng broken family pero di naman na maganda yung relationship nyong mag-asawa o mag partner, useless din. Mas mahirap kasi yung maulit yang ganyan at ma-witness pa mismo ng baby mo habang nalaki sya. Ang tao kapag ganyan na talaga attitude, ganyan na talaga yan. Kung yang partner mo abusive talaga, ganyan na yan hanggang magtagal kayo. Ikaw at baby mo lang din kawawa. The fact, na karga mo pa baby mo nun tapos nagawa ka nyang saktan? Napaka wrong move nun. Iresponsable pati, may pamilya na nauuna pa rin yung barkada at inuman. Don't settle sis.

Magbasa pa
VIP Member

Wag mong isipin na wala pang broken family sa inyo both side.. Ganyang klase ng lalaki iresposable sorry pero base sa kwento mo parang siya ying tipo na pag pinatawad mo uulit at uulit pa rin at mas pwedeng palala pa ng palala kaya pagisipan mo mabuti mamsh king makakaya mo pa makasama yung ganyang lalaki, kung willing ka maging miserable buhay mo at ng anak mo in the future.. Mahirap siguro sa simula oo kasi mahal mo siya pero kasi ung klase nya na nananakit, nakakatakot na, tas nagbanta pa na papatayin ka. Manghingi ka rin advice sa family mo anong dpat mong gawin habaang maaga pa mamsh.. Pray lng dn kay Lord malalagoasan nyo dn yan. God Bless!πŸ˜‡ Fighting!

Magbasa pa

Di bale ng lumaki ang bata na wala ang ama niya mommy, kesa lumaki siya na nakakakita ng violence. Dapat siya ang unang magtuturo sa anak niyo kung pano ka mahalin at irespeto, kasi deserve mo yun, pero siya pa unang babastos at mananakit sayo. Hayaan mo na yan mommy. Kung gusto niya talagang maayos kayo at magpatawaran, gagawa yan ng paraan at ipapakita niya, aayusin niya sarili niya. At kung mangyari yun hindi mo kailangan mag dalawang isip dahil makikita at mararamdaman mo. Pero sa ngayon, mukhang malayo pa siya dun. Wag mo ikulong buhay mo sakanya mommy. Focus ka nalang sa future niyo ni baby. I know madaling sabihin, pero para sainyo din yan ni baby.

Magbasa pa

hindi mo kelangan ng ganyan sa buhay mo sis. hays! Sa totoo lang galit na galit ako sa mga lalakeng mapanakit, pisikal. Pero never ko pa naman naexperience na saktan ng ganyan. Feeling ko walang galang, walang respeto lalo na sa nanay niya. parang walang magulang yan,kagigil. Okay lang naman patawarin mo ate e, pero wag na wag mo ng babalikan. Mahirap kase my dinadala sa puso, pero kung pede lang wag kna bumalik sknya. di mo deserve yang ginagawa nia sayo. Tapos my anak na pla kayo. Anong klaseng ama sia kung ganyan? okay lang mging broken family, anjan at mga parents mo para jan s baby mo at sayo.. Jan ka na lang s mga taong totoong nagmamahal sayo.

Magbasa pa

momsh, hindi masama na mahalin mo si mister, kaya ka nagoakasal kasi mahal mo diba nga. pero sana nagtira ka para sa sarili mo. alam mong sagot sa tanong mo, hindi na tama at tama na.. swerte mo may pamilya ka na mauuwian. hindi na baleng lumaki anak mo sa broken fam kesa makagisnan niya ang ganiang nature sa bahay nio.. tayong mga momshies, matuto tayo lumaban kapag alam nating sobra na. maging matapang ang loob kng drting ang puntong wala na kayong mag asawa at ang matira ay IKAW .. ikaw at si baby mo. cheer up! mahalin mo lng anak mo mamuhay ksma ng magulang mo. one day he wil realize how stupid he is for hurting u and ruining ur marriage.

Magbasa pa