Bulag na Pagmamahal

Tama pa ba? Na mahalin ko asawa ko at patawarin ? Lagi siya umiinom madalas niya ginagawa yung hindi kami inuuwian natutulog siya sa ibang bahay at nakakatulog siya nang mahimbing sa mga tropa niya at katrabaho niya halos ako mamuti na mata ko kakahintay alam niya bagong panganak ako at wala nagaasikaso sakin hindi man lang niya kami inalala ,noong buntis pa ako nahuli ko ka txt niya katrabaho niya naglalandian sila tapos iniistalk niya ex niya na kapag lasing siya sobrang sakit sakin kasi wala pang isang buwan na kasal kami nun parang sising sisi na siya sakin. One time sinundo ko siya sa kainuman niya sabi ko tara na tulog na tayo lasing siya nun hindi kasi ako makatulog pag wala pa siya sa tabi ko parang ang lungkot ng gabi ko halos di ako makatulog sa kakaisip sa kanya tapos ayaw niya ako papasukin sa bahay nila at ang sama ng tingin niya tas sinampal ko siya kasi ayaw niya magpapasok eh umuulan tapos yung matutulog na kami karga ko yung bata at nagpapadede ako SINASABI NIYA NA KADIRI AKO TAS MAY ACTING PA NA PAGSUSUKA TAPOS ANG SAMA NG TINGIN NIYA SAKIN SINAMPAL KO SIYA TAPOS ANG YABANG PA NIYA SIGE SAMPALIN MO THEN SINAMPAL KO SIYA ULIT TAS SABI NIYA ISA PA SINAMAPAL KO SIYA SA GIGIL KASI NAPUNO NA AKO TAPOS BIGLA NIYA AKO SINAMPAL DIN NA TATLO ANG LAKAS HABANG KARGA KO SI BBY NATAMAAN SI BBY TAPOS SINALAG KO YUNG LIKOD KO WAG LANG MATAMAAN SI BBY NAMILIPIT AKO SA SAKIT YUNG PAGKA HAMPAS NIYA PARA NABALIAN AKO SA LIKOD ,SINAKAL NIYA AKO SINAKAL NIYA NA PARANG MANOK HANGGANG NGAYON BAKAT YUNG KUKO NIYA SA LEEG KO ,AYAW PA NIYA MAGPAAWAT SA PAPA AT MAMA NIYA HALOS UMIIYAK MAMA NIYA SINUSUGOD NIYA AT AYAW MAGPAAWAT SINASABI NIYA NA PAPATAYIN NIYA AKO ,SABI NANG PAPA NIYA GANUN TALAGA SIYA WALANG KONTROL PAG MAY ALAK SABI KO KATARANTADUHAN YUN ALAM NIYA KUNG ANO GINAGAWA NIYA PAPA KO NUN MANGINGINOM PERO SI MAMA PARIN INUUWIAN AT HINDI NIYA SINAKTAN SI MAMA KAHIT MABUNGANGA SI MAMA, AKO HINDI AKO MABUNGANGA NA TAO MADALAS KO SIYA PINAGBIBIGYAN PERO PARANG WALA TALAGA SIYA NA PAMILYA NA INIISIP ,MASAYA LANG AKO KAPAG KASAMA KO SIYA KASO MASAYA SIYA SA KATRABAHO NIYA AT KAINUMAN NIYA,TAPOS HINDI SIYA NAGSORRY NUNG GABI NA YUN HANGGANG KINABUKASAN NATULOG AKO MAY SAMA NG LOOB WALA PA AKO ALMUSAL NUNG PAGKAGISING KO SABI NIYA SINUNGALING AKO AYAW PA NIYA MAGSORRY BUTI NA LANG DUMATING MAMA KO AT ATE PARA SUNDUIN KAYA NAKAUWI NA AKO SA BAHAY NAMIN HINDI NIYA AKO HINABOL NEVER NIYA AKO HINABOL PARANG AKO PA YUNG NAGHAHABOL SAMIN SINABI NIYA DIN NUNG GABI NA YUN NA HINDI AKO KAWALAN AT HINDING HINDI NIYA AKO HAHABULIN,BUKOD PO KAMI MAY APARTMENT KAMI SA BAHAY NAMIN AT DUN AKO NAKATIRA SA APARTMENT NG MAGULANG KO BUTI NA LANG MAY MAGULANG AKO .MATAPANG SIYA PAG NASA BAHAY NILA SIYA NAGAGAWA NIYA GUSTO NIYA. TAPOS NUNG NAKAUWI NA KO SA BAHAY NAMIN NAGSOSORRY SIYA SA CHAT TAPOS PINOPOST NIYA YUNG MGA PIC NANG BABY NAMIN SOBRANG SAKIT KUNG MAGIGING BROKEN FAMILY KAMI HINDI BROKEN FAMILY MGA PAMILYA NAMIN, HINDI KO NA ALAM GAGAWIN KO DAPAT KO PA SIYA PA BA PATAWARIN ? #ElleStory

226 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi po healthy relationship nyo.Maghiwalay na po kayo.Once po na sinaktan ka ng physical gagawin at gagawin nya ulit yan.Baka madamay pa baby nyo.Hindi po maganda sa mag-asawa ang nagsasakitan.Kapag ganyan pong hindi marunong humingi ng sorry eh mahirap po magpatawad lalo na't hindi naman magbabago ..Dapat nga inireklamo mo eh para matauhan.Dobleng sakit po 'yang ginawa nya sayo.Kapag humingi ng second chance wag mo ng pagbigyan...Ang second chance binibigay sa tamang tao..Mahalin mo na lang po baby mo kasi walang ibang magmamahal sa'tin kung hindi mga anak rin natin...God bless you ate...

Magbasa pa

Naku momsh tama na yan. Sinaktan ka na physically and emotionally. Wag mo ng balikan. File for annulment. Turuan mo ng leksyon. Napakahayop. Next time mapapatay ka na nyan at ang anak mo. You are so lucky to have parents and relatives na mauuwian. Hanggat meron kang masasandalan at mauuwiang mga mahal sa buhay secure mo na ang sarili mo and your baby. Kasi kawawa ka once asawa mo na lang ang sasandalan mo. I'll include you in prayer momsh but please wag mo ng balikan ang asawa mo. Your kid will thank you for that in the future. Mauunawaan ka din ng kid mo. Pray ka sa guidance from the Lord momsh.

Magbasa pa

Tama po cla iwanan m n. Base of may experience manganganak n aq this march.hiniwalayan q n ung tatay ng anak q nung feb. D lng isang beses aq nasaktan non verbally at physically abused aq ma pabuntis man o hindi sinaktan nya aq. Nag tiis aq non pero d q matitiis ung pag lumabas n c baby alam q n gagawin at gagawin prin nya ulit un sakin kya d q n hinintay ung araw n un. Iniwan q n sya.khit mahirap khit mahal m p. D n worth it ipag laban ung relasyon nyu as a family. Marami tyong single parents n nkayanan nla. Kya kakayanin din ntin to. Have faith and always pray. God Bless to us ❤❤❤

Magbasa pa

Sis, wag mo muna patawarin, bigyan mo ng halaga at panahon ang sarili mo, karamihan sa mga ganyang lalaki hindi iniisip ang mga actions nila kasi alam nila na madali tayong magpatawad na kahit anong gawin nila at the end of the day mapapatawad natin sila kasi andami natin kinoconsider. Pakita mo sa kanya na ang sinira nya ay ang relasyon nyo at kaya mo magisa. Dapat marealize nya yun, dalwa magiging actions nya dyan magbabago sya at maghihintay sya talaga or mas lalo syang magagalit kasi pakipot ka sa paningin nya. kung pangalawa ang reaction nya, hindi genuine ang paghingi nya ng tawad.

Magbasa pa

Aq sau pag aralan muna wla xah sa tabi mo kht gano kahirap minsan kc kea tau nagago dahil nrin sa pinababayaan ntin cla na gawin satin un hnd dpat taung mga girls ang naghahabol tska isa pa hnd xah matinong lalake kea hnd mo dpat panghinayangan ganyang klase ng tao mas pahalagahan mo sarili mo pra nrin sa baby mo kc kng ganyan xah at patatawarin mo lng paulit ulit wla magbabago sa kanya baka mas mging worst pa xah dahil nrin sa alam nya na ok prin sau kht alam nya na nsasaktan ka nya d man lng nya inicp kht pra nlng sana sa baby nyo ma excite na mkita at makasama kesa barkada

Magbasa pa

Sis., alam ko mahirap isipin na lalaki ang anak mo na broken family kayo. Pero mas mabuti na ung ganun kaysa naman masaksihan nya habang lumalaki siya na ang papa nya eh gago at sinasaktan ang nanay nya, at sa malamang hndi din siya magiging mabuting ama sa anak mo. Hndi mo kailangan mag oa ka martyr pra lang mabuo pamlya mo. Kung nagawa nya yon sayo, magagawa nya oa un ulit pag nag lasing siya. Hayaan mo na siya sis, kayong dlawa n lng ng anak mo ang isipn mo. Mahirap mabuhay sa isang broken family pero mas mahirap mabuhay sa isang pamilya na ang isa ay hndi nag mamahal. Hmmm

Magbasa pa
VIP Member

Pakulong mo Ng magtanda. Kasi one month palang ATA kayo kasal pero grabe na siya. Saakin Lang, Hindi Kami kasal Ng asawa ko pero pag LASING YAN KUNG UMUWI, IBIBIGAY NA LAHAT NG SAHOD SAAKIN KAHIT PISO WALANG ITITIRA SA KANYANG BULSA O PITAKA NYA. ALAM niyang may kasalanan siya na uminom sila Ng katrabaho niya at payday Kasi . Naiintindihan ko Naman Kasi minsan Lang manginom. Kaya pag uwi. Bigay sahod. Sabay tulog na siya. Kung ganito Lang Sana si mister mo masaya Ka siguro. Kung ako sayo pakulong muna Yan nananakit pa siya. Ikaw LNG Kung mag stay Ka pa SA kanya. Mahirap gawin.

Magbasa pa

Iwanan mo na ahh wag mo ng isipin ung broken family baka mapatay kapa nian pag patawarin mo ulit,ulit ulitin parin nya ang ginagawa nya maraming lalaki dian di lang sya ako nga iniwan ko ung tatay ng anak ko dahil mahilig uminom pero di ako sinaktan non ahh pero naglakas parin ako ng loob iwanan sya dahil hindi na magbabago yon.dahil pinangako ko sa sarili ko hindi ako matutulad sa mama ko na marter sa papa ko always syang sinasaktan at kami mga anak nya may times pang muntikan kaming mapatay.wag mong e sacrifice ang happiness mo dahil kalbaryo lang matitikman mo sa kanya

Magbasa pa

Mas pipiliin mo ba mommy na buo kayo pero hindi masaya? Buo kayo pero sinasaktan ka at ang anak mo? Habang binabasa ko ang kwento mo nanggigigil ako sa asawa mo, pati anak niyo nadamay na sa pananakit nya. Hindi mo kinakailangang pakisamahan ang katulad nya, mas magiging masaya kayo ng anak mo kung kayo na lang.. maghanap k ng trabaho para masuportahan ang anak mo, pwede kang mag online business. Sa huli’t huli ikaw pa rin naman ang gagawa ng desisyon kung babalikan mo siya o hindi na, pero sana magdesisyon ka nang tama. Piliin mo sana ang sarili mo at anak mo.

Magbasa pa

Pag ganyang lalaki kahit sabihan mu pa ng pa'ulit² hndi na magbabago yan. Kahit patawarin mu yan babalik na nman yan sa dating gawain nya. Mas mabuti pang mag focus kana po lang po sa baby mu and also know your worth ang love yourself momshie. Wag kang mgpakahirap at mgpa'stress sa ganyang klasing taong walang kwenta. Alam nman po natin na mahirap maging broken family pati na ung bata kawawa peru isipin mu rin, buo nga kayo peru di nman masaya pagsasama nyo dahil mismo asawa mu pinapahirap kaau. Wag mu hintayin na madepressed ka maam dahil sa sobrang stress.

Magbasa pa