rant post please don't judge me.

Hello : ) Take time to read this. Wala po akong masabihan‚ wala po akong kaibigan. Kaya naisipan ko pong dito nalang mag vent out‚ nagbabakasaling maiintindihan niyo po ang ike-kwento ko. 20 years old po ako, sa ngayon po wala akong trabaho (naka leave) dahil bawal po sa gasoline station ma-expose ang isang buntis, tulad ko. Nagsimula po akong magtrabaho doon nung September 2022. May naging karelasyon po ako sa trabaho. Nung una po aminado akong may pagtingin (crush) na ako sakanya, hindi pa po ako aware na may dalawang anak na pala siya. Then nung time po na nalaman ko na may anak na pala siya, hindi naman nagbago pagtingin ko sakanya. Hindi ko sinasabi na may pagtingin ako sakanya kasi aware na po ako nun na may anak na siya, hanggang sa nagkaroon po kami ng oras mag kwentuhan sa isa't isa. Nung napapadalas na po kwentuhan namin na may kasama ng biruan, doon na ako umiwas, sa pag iwas ko pala sakanya lalo akong nahuhulog, sa palagi ba naman niya ako pinapansin. Kwento niya saakin October 2022 hindi na sila okay ng partner niya (hindi po sila kasal). Pero wala po siyang nabanggit saakin noon na hiwalay na sila. Itong partner niya po at dalawang anak niya that time nasa probinsya. 4 at 2 yrs old na ngayon anak niya. Jan 1 2023 binati niya ako ng "happy new year" yon po ang una naming chat, nagtuloy tuloy po iyon kahit na lagi naman niya akong nakikita sa trabaho (same po kami ng time schedule). Sa madalas kong iwas at pag pigil, lalo po akong nahuhulog at alam kong aware ako sa mga kwento about sakanya, at sa kwento niya. Niligawan niya po ako. Madalas binibigyan niya ako ng pagkain na mga gusto ko dahil nung time po na nag ke-kwentuhan kami nagtatanong na siya ng mga hubbies at favorite ko. Tinatanggap ko lahat. Hanggang sa naging kami Jan 8 2023, pinag usapan namin lahat lahat, sinabi niya saakin na matagal ng wala na siyang pagmamahal sa dati niyang partner, sa anak niya nalang daw pagmamahal niya, pinaniwalaan ko siya kahit na may konting duda. March 2023 nalaman ng mama niya about saamin kinausap ako, pinagsabihan ako sa mismong harap ng karelasyon ko. Sinabihan kami na habang maaga pa itigil na namin ang relasyon para lang sa mga anak niya. Hindi nagpapigil itong nakarelasyon ko, pinaglaban niya ako sa harap ng mama niya, sinabi niya lahat ng nararamdaman niya kung bakit ayaw niya na doon sa dati niyang partner. Nakipaghiwalay ako nung gabing yon, pero ayaw niya.. hindi niya daw kaya. Umiyak siya. Iniisip ko baka nadadala lang kami sa bugso ng damdamin, iniisip ko rin na ako yung nandito kaya siguro hindi niya kaya dahil malayo yung mga anak niya. Ang dami kong what if, hindi ko maintindihan. Kinabukasan nung araw na yon, hindi parin siya tumigil, sa mga araw na hindi niya ako tinigilan doon ko nakikita na seryoso siya saakin. Nagbalik loob ako, pero hindi parin maalis saakin mga what if ko. Mahal ko na siya kahit sobrang gulo. Hindi alam ng tatay ko hanggang ngayon na ganito mga nangyari saakin. Noong March din nalaman ng dati niyang ka partner, Relatives, lahat. Sobrang gulo hanggang sa may pagbabanta ng nasasabi. Duda talaga akong hindi pa sila totally hiwalay dahil nung time palang na kinausap ako ng mama niya, ramdam ko. Nakikita ko paring nagkakausap sila sa messenger, ang sabi ng karelasyon ko para sa mga anak niya daw ang pinag uusapan nila. Hindi ko naman na pinakialaman yon, hinayaan ko siya. April 2023 nag live in na kami, dahil ayaw niya sa mga pinagsasabi ng mama niya. Parehas naman kaming may trabaho kaya kami namin magbukod. Still ang kalahati ng sahod niya pinapadala niya sa anak niya. After how many months tumahimik na, wala ng gulo. Wala ng pagbabanta, parinig, na tungkol saamin. August 2023 pregnant na ako, happy kami pareho. Nalaman ng lahat lahat, pati ng tatay ko pero still hindi niya parin alam mga nangyayari saakin. Takot na takot akong malaman ng pamilya ko na ganito na ang nangyayari saakin. October 2023 nag decide ang karelasyon ko na mag move na kami dito sa lugar nila, pumayag na ang mama niya dahil sa magkakaroon na kami ng anak. Pero may isang hiling lang ang mama niya saakin na wag ko daw sana pagbawalan ang anak niya na magkaroon ng communication sa mga bata, at dahil nga bata pa wala pang alam sa social media pinaintindi saakin na lahat lahat ay idadaan sa nanay ng mga anak. Nag agree ako, okay lang saakin. Bakit ko naman pagbabawalan. Okay naman ako dito sakanila, pinapakisamahan ako ng maayos, wala naman na daw siyang magagawa kung ako ang pinili ng anak niya, pero kami ng ka live in partner ko habang tumatagal hindi kami nagiging okay, mas naging emotional ako siguro dahil sa pagbubuntis ko. Lagi kaming hindi nagkakaintindihan simula nung mga ilang linggong nag move kami sa lugar nila. Lagi naming pinag aawayan ang ang nanay ng mga anak niya. Hindi ko bat ganon, kini-question ko din sarili ko na bakit ang bilis bilis ko magalit sa tuwing nakikita ko sa messenger niya pangalan ng ex partner niya, hindi ko maintindihan sarili ko. Pinipigilan ko maging emotional pero hindi ko kaya dahil iniisip ko baby ko sa sinapupunan ko. Hanggang sa sinasabi niya ng maghiwalay kami, wala ng patutunguan relasyon namin dahil pakiramdam niya hindi ko naman daw siya totoong tanggap kung anong meron siya bago ako dumating sa buhay niya. Hindi na kami maayos in short. Minsan pag nag bo-boost ng sobra ang emotion ko, nag aaway kami, nagsisigawan, nasasaktan ko siya dahil ang sakit ng nararamdaman ko. Kahit sa konting dahilan tulad ngayon nag away kami dahil sa "short" nag boost agad ang emotion ko, binili niya daw dati yung short na yun sa ex partner niya, naiwan daw nung umuwi sa probinsya kaya naiwan dito. Sinusuot ko yun dahil comfy sa pagtulog at alam kong sakanya yun. Wala akong alam. Ngayon lang niya sinabi na sa ex partner niya pala yon kung kailan nag aaway na kami gusto kong intindihin niya nararamdaman ko pero hindi ko yun makuha sakanya. Nagagalit din siya dahil konting bagay pinag aawayan namin. Nakikipag hiwalay na naman siya. Alam niyo mga mommies sa lahat lahat ng pinag awayan namin pinakamasakit yung sinabi niya na ipatanggal nalang daw namin itong dinadala ko dahil hindi naman kami magkasundo. Masakit. Palagi na akong naiyak. Iniisip ko na baka naiisip niya ng bumalik sa ex partner niya, at iwan ako sa lowest point ng buhay ko. Hindi ko alam gagawin ko pag nangyari yon. Btw 18 weeks na tummy ko ngayon, blessing to saakin, at mahal ko to. Kung may advice or masasabi po kayo, comment niyo lang babasahin ko po. Thankyou po sa pagbasa Merry Christmas and Happy New Year!

9 Replies

Ano po ba gusto mo mangyari? I promote Break up kasi once na di na nagkakaintindihan. Minsan na ko dumaan sa ganito pagsubok, yung konti ano gusto na ipalaglag, as if ganon kadali sa kanila ang ipalaglag ang bata. For me, kung legal ang abortion, at iisipin ko ano mas matimbang sa akin? Mas pipiliin ko di na lang iluwal ang bata sa mundo kung ang tatay niya walang paninindigan sa relasyon namin. Sensitive rin ako sa mga bagay bagay like sinabi mo yung short na-experience ko yan pinasuot sa akin damit ng ex niya nung nalaman ko yon, tinapon ko or pinamigay ko. Siguro dala ng kabusy-han niya di na rin napansin kung kanino nga ba galing yun. Hindi naman ako nagalit, knowing na buntis na rin pala ako that time. Siguro, ilibang mo na lang sarili mo pero if its too much for you like toxic na? Umuwi ka na sa inyo, at gumawa ka ng paraan paano mo bubuhayin sarili mo. Make a choice, and Be Better!

Well mi we can't blame you kung sobrang emotional gawa nga ng buntis ka. Pero you also have to understand na yung kinasama mong lalaki is may anak na sa una. Sila nung ex nya ay need magcommunicate kasi may mga anak nga sila. Dalaga ka naman sana sa binata ka na lang din nakipag-relasyon kasi malaking challenge din yang pinasok mo. Isipin mo never kang magiging priority ng asawa mo kasi may anak na sya sa una. Yung sahod nya 50% na lang kasi matik need nya sustentuhan yung 2 anak nya sa una. At the end of the day kung ganyan na katoxic ang pagsasama nyo dapat lang di nyo na dagdagan pa yung anak nyo 🫤

napakabata mo pa, ang hindi ko maintindihan bakit ka pa nahulog sa kanya at nagpabuntis pa? small talks?!! naniwala ka nman na hindi na sila maayos? lage natin iisipin na porket hindi sila kasal, may pamilya na yung tao, may mga anak na siya. Mas lalo mo sinira pagsasama nila. Ngayon, kunting misunderstanding lang hiwalay agad lumalabas sa kanya na solution??? Ganyan talaga ang naiisip mo kasi alam mong may sabit siya. Anytime, pwd nya balikan yung ex nya kung d kayo bati. Kung ako sa yo, namnamin mo yan. simula pa lang yan sa pagsasama nyo. d lahat ng oras ay puro kilig porket nabuntis ka.

siguro masyado ka lang naging over thinking dala ng pag bubintis mo... pero umpisa palang naman ng relasyon nyo alam mo na Ang consequence... tinanggap mo na nga sya ii Ang tangi nalang na gawin mo eh wag tumulad sa dating toxic na relasyon nila ng ex nya.. di naman siguro gagawa ng ikakasakit ng damdamin mo Yun kung hindi mo sya binibigyan ng dahilan para manawa sa ngyayari sa inyo..

Sorry to say this ha...pero red flag agad pag sinabi ng lalaki na ipatanggal or ipalaglag yung baby. Like hello? Anak nya rin yon. Get out of that toxic relationship hanggat kaya mo pa kasi makakaapekto yan sa baby. Nararamdaman ng baby ang nararamdaman ng mommy. I think mas better na bumalik ka nalang sa family mo

kung mahal mo ang anak mo, please lang lumayo ka muna sa toxic na environment na meron ka. Either miscarriage or magkakaroon ng lubhang sakit ang baby mo paglabas. No more rewind. Wag sana puro mga emotion natin ang isipin natin. Umuwi ka muna sa inyo or stay in a place na nakakaintindi sa situation mo.

positive think ka lang palagi at kausapin ng maayos Ang asawa mo na ngayon.. wag mo na hayaan na pati Ang bata madamay pa sa pag away nio palagi.. yun lang naman pray lang palagi .. ingat kayo Ng baby mo..

mag pray ka lang palagi. kasama mo ang Diyos

Salamat po

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles